Nawasak na bakod ng St. Vincent Ferrer Church, naitayong muli sa tulong ng Good Samaritans

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,522 total reads

Naitayong muli ang bagong bakod ng Diocesan Shrine and Parish of St. Vincent Ferrer sa Tabaco City, Albay, isang linggo matapos itong masira nang bungguin ng isang truck na nawalan umano ng preno noong ika-6 ng Hulyo, 2026.

Sa inilabas na pahayag ng parokya, itinuring nitong patunay ng matibay na pananampalataya, pagkakaisa, at pagtutulungan ng komunidad ang mabilis na pagpapanumbalik ng bakod ng Simbahan.

Ayon sa parokya, higit pa sa pagkukumpuni ng isang istruktura ang naging bunga ng pangyayari, sapagkat ipinakita nito na sa kabila ng mga pagsubok ay kayang muling bumangon ng sambayanang nagkakaisa sa pananampalataya.

“Just about a week ago, our newly built church fence was severely damaged after a truck accidentally crashed into it. Today, by God’s grace and through the dedication of many helping hands, it has been rebuilt, restored, and freshly repainted. This transformation is more than the repair of a structure—it is a reminder that challenges may leave their mark, but faith, unity, and perseverance always help us rebuild stronger.” Bahagi ng pahayag ng pamunuan ng dambana.

Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Simbahan sa lahat ng naglaan ng oras, lakas, at tulong upang maisakatuparan ang agarang rehabilitasyon ng nasirang bahagi ng bakod.
Umaasa ang parokya na magsisilbing sagisag ng pag-asa, proteksyon, at sama-samang pangangalaga sa tahanan ng Diyos ang naibalik na bakod ng St. Vincent Ferrer Parish.

“Our heartfelt thanks to everyone who extended their time, effort, and support in making this restoration possible. May this renewed fence continue to stand as a symbol of hope, protection, and our shared commitment to caring for God’s house.”
Dagdag pa ng dambana.

Una ng nagpahayag ng nagpasalamat ang Simbahan sa Diyos sa Kanyang patuloy na pag-iingat, sapagkat walang nasawi o nasugatan sa kabila ng mapanganib na insidente lalo na’t malapit ang dambana sa isang paaralan at pampublikong pamilihan.

Hinimok din ng parokya ang mga mananampalataya na gawing paalala ang pangyayaring ito na ang bawat pagsubok ay maaaring mapagtagumpayan sa pamamagitan ng pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa.

Dalangin din ng Diocesan Shrine and Parish of St. Vincent Ferrer na sa pamamagitan ng panalangin ni San Vicente Ferrer ay patuloy na ingatan ng Panginoon ang buong pamayanan at ang lahat ng dumadalaw sa banal na lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,238 total reads

 8,238 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,826 total reads

 47,826 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,138 total reads

 83,138 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,407 total reads

 309,407 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,280 total reads

 202,280 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top