Cardinal Advincula, hinimok ang mga mananampalataya na isabuhay ang simbahang synodal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,825 total reads

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na patuloy na isabuhay ang pagiging isang Simbahang synodal at nakatuon sa misyon.

Ito ang mensahe ng kardinal sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Kalibo.

Sa kaniyang homiliya sa ginanap na pontifical mass sa Kalibo Cathedral, sinabi ni Cardinal Advincula na ang pagdiriwang ay hindi lamang paggunita sa mga biyayang tinanggap ng lokal na Simbahan sa nakalipas na limang dekada kundi isang panibagong paanyaya upang higit pang isabuhay ang misyon ng Simbahan.

“This Jubilee is not merely a celebration of what has been accomplished. It is a time of grace that invites each one of us to move forward with courage and renewed hope,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang temang “Kita Simbahan, Kita Kaibahan” ay sumasalamin sa patuloy na panawagan ng Simbahan tungo sa pagiging simbahang higit na nagbubuklod sa paglalakbay, nakikinig, nagninilay, at naglilingkod.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang bawat binyagan ay may mahalagang papel sa buhay at sa misyon ng Simbahan.

“A synodal Church is one where every member realizes that he or she has a place, a voice, and a mission in the Church,” dagdag ng Kardinal.

Iginiit din ni Cardinal Advincula na ang tunay na paglalakbay bilang Simbahan ay hindi dapat manatiling nakatuon lamang sa sariling komunidad kundi dapat magbunga ng mas malawak na paglilingkod sa kapwa.

“Walking together always leads us outward—to evangelize, to accompany families, to care for creation, to defend human dignity, to serve the poor, and to bring hope to those living on the margins of society,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Hinimok din nito ang Diocese of Kalibo na panatilihing sandigan ang kababaang-loob, pagtitiwala sa Diyos at pagiging misyonero na itinuturo ng debosyon sa Señor Santo Niño habang sinisimulan nito ang panibagong yugto ng paglilingkod.

Samantala, ipinaalala naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, na ang tunay na kahalagahan ng isang diyosesis ay nakaugat sa pagbibigay ng buhay ni Kristo sa Kaniyang sambayanan sa pamamagitan ng mga sakramento.

“Jesus gives us that water of life in the sacraments. And that is what we celebrate when we celebrate a local Church,” ayon sa mensahe ni Archbishop Brown.

Paliwanag ng kinatawan ng Santo Papa na ang Simbahan ay nananatiling buhay dahil sa biyayang ipinagkakaloob ni Kristo sa pamamagitan ng Binyag at ng Eukaristiya.

“Your local Church is alive because of Christ—His life being communicated to you,” ani ng nuncio.

Binigyang-diin din ng nuncio na ang pagpapalawak ng misyon ng Simbahan ay nananatiling mahalagang tungkulin upang maihatid ang biyaya ng kaligtasan sa mas maraming tao.

Ang Diocese of Kalibo ay itinatag noong July 15, 1976 sa pamamagitan ng Apostolic Constitution na Animarum Utilitas ni Saint Pope Paul VI matapos ihiwalay ang lalawigan ng Aklan mula sa noo’y Diocese ng Capiz.

Sa loob ng limang dekada, patuloy nitong isinulong ang pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa lalawigan ng Aklan, lalo na sa mahigit kalahating milyong Katoliko, sa paggabay at pagpapastol ni Bishop Cyril Villareal.

Sa pagdiriwang ng hubileyo ay makatatanggap ng plenary indulgence ang mga mananampalataya ng diyosesis alinsunod sa mga itinakdang kondisyon ng simbahan sa pagtanggap nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 23,050 total reads

 23,050 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 108,524 total reads

 108,524 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 145,897 total reads

 145,897 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 177,156 total reads

 177,156 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 248,989 total reads

 248,989 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top