Pagpatay sa American marine biologist, kinundena ng PMPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,565 total reads

Mariing kinondena ng Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) ang pagpaslang sa kilalang American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter, na naglaan ng mahigit limang dekada ng kanyang buhay sa pananaliksik at pangangalaga sa yamang-dagat ng Pilipinas.

Ayon sa PMPI, malaking kawalan sa pandaigdigang komunidad ng agham at sa patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan ang pagpanaw ni Carpenter.

“We vehemently condemn this heinous and senseless act of violence against a defenseless individual who dedicated his life to the service of science and the protection of our natural world,” pahayag ng PMPI.

Binawian ng buhay ang 73-anyos na siyentista matapos pasukin ng tatlong armadong lalaki ang kanyang tahanan sa Barangay Ajong, Sibulan, Negros Oriental dakong alas-11:30 ng gabi noong July 12.

Batay sa ulat ng pulisya, binaril si Carpenter ng mga suspek bago tumakas ang mga ito, dahilan upang bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group “SITG Carpenter” upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa krimen.

Kinilala si Carpenter bilang Professor Emeritus ng Old Dominion University at adjunct professor ng Silliman University. Siya ang siyentistang nagpakilala sa Verde Island Passage bilang “Center of Marine Shore Fish Biodiversity” sa buong mundo at ginamit ang kanyang pananaliksik upang isulong ang pangangalaga sa yamang-dagat ng Pilipinas.

Binigyang-diin ng PMPI na bagama’t hindi isinilang sa Pilipinas si Carpenter, inialay naman nito ang malaking bahagi ng kanyang buhay sa pangangalaga ng yamang-dagat ng bansa at pagtatanggol sa kalikasan.

“His legacy will continue to inspire all who champion the rights of nature, especially the rights of our oceans,” pahayag pa ng PMPI.

Umaasa rin ang organisasyon sa mabilis, masusi at malinaw na imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen at maibigay ang katarungan sa isang siyentistang nag-iwan ng mahalagang ambag sa pangangalaga ng biodiversity ng Pilipinas.

Nauna nang nagpahayag ng pakikiramay ang Protect Verde Island Passage (Protect VIP) campaign network, na kinilala ang malaking ambag ni Carpenter sa pagkilala ng Verde Island Passage sa buong mundo at nanawagan ng masusing imbestigasyon, katarungan, at higit na proteksyon para sa mga environmental defender.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 23,060 total reads

 23,060 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 108,534 total reads

 108,534 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 145,907 total reads

 145,907 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 177,166 total reads

 177,166 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 248,999 total reads

 248,999 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 77,979 total reads

 77,979 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top