Magtiwala sa deworming program ng pamahalaan, panawagan ng PPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,175 total reads

Nanawagan ang isang kasapi ng Philippine Pediatric Society sa publiko na huwag mawalan ng tiwala sa national deworming program kasunod ng isyu sa pagkamatay ng isang Grade 4 na mag-aaral matapos ang isinagawang routine deworming, at sa halip ay umasa sa mga eksperto at siyentipikong pag-aaral sa usapin ng pampublikong kalusugan.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, inihayag ni Dr. Fatima Gimenez, miyembro ng Philippine Pediatric Society na mahalagang maunawaan ng publiko ang layunin ng deworming program dahil nananatiling laganap ang impeksyon sa bulate sa Pilipinas, dahilan upang isama ito sa mga pangunahing public health programs ng pamahalaan.

“Kailangan natin maintindihan ang importansya nito [deworming o pagpupurga] bakit mahalaga, kasi ang Pilipinas laganap sa bulate. Sorry na sabihin yun, pero it’s a fact kaya ginawang public health program ito kasi napaka-importante sa kalusugan, hindi lang ng bata pati ng matanda at pregnant women.” Bahagi ng pahayag ni Dr. Gimenez sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng doktor na ang impeksyon sa bulate ay maaaring magdulot ng iron deficiency anemia, na may malaking epekto sa nutrisyon at sa pisikal, mental, at cognitive development ng mga bata, lalo na ng mga preschool children na kabilang sa pinaka-vulnerable na sektor.

“So yun ang dapat kailangan nating maintindihan yun, ito ay para sa kalusugan ng lahat dahil nga if I go to the importance it affects both physical and mental development, and talaga namang sino bang risks? ang mga bata, ang mga pre-school children kasi ang cause niyan iron deficiency anemia at ang iron deficiency anemia is a serious problem talagang maaapektuhan ang nutrisyon. Kapag naapektuhan ang nutrisyon kasama na diyan hindi lang physical but mental and cognitive development kaya kailangan nating pagtuunan.” Paliwanag pa ni Dr. Gimenez.

Binigyang-diin din ni Dr. Gimenez na ang deworming ay isang preventive health measure, kaya hindi kailangang hintayin pang makaranas ng sintomas bago sumailalim sa pagpupurga.

“Pwede kang ma-infect anumang oras kapag nakakain ka ng viable eggs ng bulate. Kaya preventive ito whether or not you show signs and symptoms. Bahagi ito ng First 1,000 Days at Garantisadong Pambata kasama ng vitamin at micronutrient supplementation,” Ayon pa kay Dr. Gimenez.

Sinabi rin ng pediatrician na hindi lamang mga bata ang maaaring magkaroon ng bulate dahil maging ang mga matatanda ay maaari ring magkaroon nito sa pamamagitan ng pagkain ng mga gulay o prutas na hindi nahugasan nang mabuti.

“Akala natin pambata lang ito, pero tayo rin ay maaaring magkaroon ng impeksyon sa bulate, lalo na kung nakakakain ng hindi maayos na nahugasang gulay o prutas. Gusto ko lang lawakan natin ang ating pag-iisip na hindi lamang mga bata ang maaaring magkaroon nito, bagama’t sila ang mas madaling maapektuhan,” Dagdag pa ni Dr. Gimenez.

Kasabay nito, hinimok ni Dr. Gimenez ang publiko na maging mapanuri sa impormasyong nakukuha sa social media at kumonsulta sa mga eksperto sa halip na magpalaganap ng maling impormasyon.

“Hindi naman tayo magbibigay ng isang programa na hindi masusing pinag-aralan. Kapag may tanong po, please ask the experts. Walang halaga ang pagpapakalat ng maling impormasyon, ngunit napakalaki ng halaga ng pagtutuwid sa misinformation,” Ayon kay Dr. Gimenez.

Umaasa rin ang pediatrician na sa pamamagitan ng tamang impormasyon ay patuloy na susuportahan ng publiko ang mga programang pangkalusugan na naglalayong maprotektahan ang mga bata laban sa malnutrisyon at iba pang komplikasyong dulot ng impeksyon sa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,289 total reads

 44,289 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,011 total reads

 149,011 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,122 total reads

 235,122 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,255 total reads

 305,255 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,075 total reads

 337,075 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top