Tunay na kaunlaran, nakaugat sa katarungan at pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,739 total reads

Binigyang-diin ng Caritas Philippines na ang tunay na kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa paglago ng ekonomiya o sa dami ng naibabahaging tulong, kundi sa pagtiyak na ang paraan ng paglikha ng yaman at pagpapaunlad ng lipunan ay may paggalang sa dignidad ng tao, katarungang panlipunan, at pangangalaga sa kalikasan.

Sa inilabas na pastoral reflection, sinabi ni Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na nagpapasalamat ang Simbahan sa lahat ng sumusuporta sa misyon nito sa pamamagitan ng pagtulong sa mahihirap, pagtugon sa kalamidad, at pagsusulong ng Ebanghelyo.

Gayunman, iginiit ni Bishop Alminaza na mahalaga ring suriin kung ang pinagmumulan ng yaman at mga programang pangkaunlaran ay tunay na nagsisilbi sa kabutihang panlahat.

“Charity can never be separated from justice, nor love for the poor from care for creation. As Pope Francis reminds us in Laudato Si’, ‘everything is interconnected.’ The cry of the earth and the cry of the poor are one,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag ng obispo na dahil sa paninindigang ito ay patuloy na isinusulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang responsableng pangangasiwa ng mga yaman ng simbahan, kabilang ang mga etikal na pamumuhunan, pagsusulong ng ecological conversion, at hindi pagtanggap ng mga donasyong nagmumula sa mga gawaing nagdudulot ng matinding pinsala sa tao at sa kalikasan.

Nilinaw naman ni Bishop Alminaza na ang layunin ng simbahan ay hindi kondenahin ang sinuman kundi hikayatin ang bawat isa—maging ang simbahan mismo, pamahalaan, negosyo, at lipunan—na patuloy na magsuri at magbagong-loob sa liwanag ng Ebanghelyo.

“The Church’s mission is never to condemn persons but to proclaim principles that serve the common good,” ayon pa sa Obispo.

Kasabay nito, hinikayat din ng obispo ang simbahan na higit na kilalanin ang mga “hidden witnesses of the Gospel” o mga karaniwang mananampalatayang tahimik na nagsasabuhay ng pananampalataya sa araw-araw.

Kabilang dito ang mga magulang, katekista, boluntaryo, kabataan, magsasaka, mangingisda, at iba pang naglilingkod sa kanilang pamilya, komunidad, at sa pangangalaga ng kalikasan nang hindi naghahanap ng pagkilala.

“The Gospel teaches us that greatness is measured not by prominence, wealth or recognition, but by love expressed in humble service,” ayon kay Bishop Alminaza.

Naniniwala ang Caritas Philippines na ang pinakamataas na anyo ng pananagutang panlipunan ay hindi lamang ang pagbibigay ng tulong matapos makalikom ng yaman, kundi ang pagtiyak na ang mismong paraan ng paglikha nito ay nagsusulong ng dignidad ng tao, kapayapaan, katarungan, at pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,553 total reads

 41,553 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,360 total reads

 146,360 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,470 total reads

 232,470 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,604 total reads

 302,604 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,548 total reads

 334,548 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,642 total reads

 162,642 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top