SLU, nakiisa sa Dapat Isa Lang signature campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,027 total reads

Nakikiisa ang Saint Louis University (SLU) sa Baguio City sa adbokasiya ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa panawagan para sa pagsasagawa ng “Dapat Isa Lang” signature campaign bilang suporta sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Layunin ng kampanya na makalikom ng mga lagda mula sa mga rehistradong botante bilang bahagi ng pagsusulong ng panukalang batas na naglalayong mabigyan ng mas pantay na pagkakataon ang mga Pilipino na makapaglingkod sa pamahalaan at mapalawak ang political inclusivity sa bansa.

Isasagawa ang signature campaign sa Silang Lobby ng Saint Louis University sa Baguio City sa Hulyo 16 hanggang 17, 2026 at Hulyo 20 hanggang 24, 2026, kung saan inaanyayahan ang mga rehistradong botante sa Baguio City na lumagda sa petisyon.

“In solidarity with the Catholic Educational Association of the Philippines, Saint Louis University (SLU) will be conducting the Dapat Isa Lang signature campaign to pass a genuine anti-political dynasty law through a People’s Initiative. If you are a registered voter in Baguio, drop by during these dates and sign the petition. Dates: 16-17 July 2026 and 20-24 July 2026 Venue:
Silang Lobby.” Bahagi ng paanyaya ng SLU.

Ayon sa SLU, mahalaga ang bawat lagda upang maipakita ang suporta ng mamamayan sa pagsusulong ng repormang magbibigay ng pantay na oportunidad sa paglilingkod-bayan at magpapalakas sa demokratikong partisipasyon ng mga Pilipino.

“Every signature matters in the advocacy for political inclusivity, ensuring equal opportunities for public service.” Dagdag pa ng SLU.

Bahagi ang naturang inisyatiba ng patuloy na pakikiisa ng mga institusyong pang-edukasyon sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala, pananagutan, at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga usaping may kaugnayan sa kinabukasan ng bansa.

Una ng nakibahagi ang ilang mga opisyal at lingkod ng Simbahan sa paglagda sa signature campaign bilang bahagi ng pagsusulong ng mga repormang nagtataguyod ng pananagutan, mabuting pamamahala, at mas malawak na representasyon sa sistemang pampulitika ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,340 total reads

 44,340 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,060 total reads

 149,060 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,171 total reads

 235,171 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,304 total reads

 305,304 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,123 total reads

 337,123 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top