Crime rate sa NCR, bumaba ng 30-porsiyento

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,991 total reads

Nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nananatiling kontrolado ang peace and order situation sa Metro Manila sa kabila ng mga hiwa-hiwalay na insidente ng krimen na naiuulat sa mga nakalipas na araw.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni NCRPO Spokesperson PMaj. Hazel Asilo na hindi nangangahulugan ang mga naitatalang insidente na lumalala ang kriminalidad sa National Capital Region.

Ayon sa opisyal, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng publiko sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag at maagap na pag-uulat ng anumang kahina-hinalang kilos o sitwasyon sa mga awtoridad.

“Hindi naman po ito ibig sabihin na mayroon po tayong problema sa ating kriminalidad. Kami po sa NCRPO ay patuloy pong mina-manage ang ating peace and order situation. May mga naitala man po tayong insidente ng kriminalidad, agad naman po itong natutugunan ng ating kapulisan at nahuhuli rin ang mga responsable sa tulong ng ating komunidad,” Bahagi ng ahayag ni Asilo sa Radyo Veritas.

Patuloy rin aniyang pinalalakas ng NCRPO ang police visibility sa mga pangunahing lansangan, business districts, transport terminals, at lalo na sa mga paaralan, kasabay ng intelligence gathering, pagsusuri sa CCTV footage, follow-up operations, at mahigpit na koordinasyon sa mga barangay at iba pang law enforcement agencies.

Hinikayat din ni Asilo ang publiko na agad tumawag sa 911 sakaling makapansin ng anumang kahina-hinalang pangyayari upang mas mapabilis ang pagtugon ng mga pulis.

Sinabi rin ng NCRPO na batay sa kanilang datos, bumaba ang bilang ng tinatawag na eight focus crimes kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

“Yung eight focus crimes natin compared last year bumababa po lahat iyon… yung robbery, theft, motornapping, carnapping, gayundin ang crimes against persons tulad ng physical injury at rape. Wala po tayong namonitor na pagtaas kumpara sa datos noong nakaraang taon,” Dagdag pa ni Asilo.

Ipinaliwanag din ng opisyal na maaaring mas marami lamang napapansing insidente sa kasalukuyang panahon dahil mas mabilis na naibabahagi ang mga ito sa social media, at hindi dahil sa pagtaas ng kriminalidad.

“Ngayon po ay mas malaya nang naipopost ang mga insidente sa social media kaya mas nakikita ng publiko ang mga ito. Ngunit ang mahalaga, ang lahat ng mga kasong ito ay naaaksyunan ng ating kapulisan at ang datos na hawak natin ay nagpapakitang wala namang pagtaas sa krimen,” dagdag niya.

Iginiit ng NCRPO na ang pagbaba ng kriminalidad ay bunga ng pinaigting na police visibility, mas mabilis na pagtugon ng mga awtoridad, at patuloy na pakikipagtulungan ng mga force multipliers at ng mismong mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Metro Manila.
Kaugnay nito una ng inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nakapagtala ang ahensya ng 30.43 porsiyentong pagbaba sa mga focus crime sa buong bansa noong Hunyo 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa datos na inilabas ng PNP, pinakamalaki ang ibinaba ng mga kaso ng carnapping ng motor vehicles, na bumaba ng 66.67 porsiyento mula 27 kaso noong nakaraang taon tungo sa siyam na kaso ngayong taon. Malaki rin ang ibinaba ng mga kaso ng panggagahasa sa 57.25 porsiyento at physical injury sa 40.15 porsiyento. Samantala, nagtala rin ng pagbaba ang homicide (27.38%), carnapping ng motorsiklo (25.93%), robbery (23.23%), theft (16.59%), at murder (11.60%), na nagpapakita ng patuloy na pagbuti ng peace and order situation sa bansa.

Samantala, patuoy namang ipinapaalala ng Simbahang Katolika na mahalagang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng makatarungan at makataong pagpapatupad ng batas, kung saan tungkulin ng mga awtoridad na pangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan habang patuloy na iginagalang ang dignidad at karapatang pantao ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 44,303 total reads

 44,303 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 149,025 total reads

 149,025 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 235,136 total reads

 235,136 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 305,269 total reads

 305,269 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 337,089 total reads

 337,089 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top