Pag-endorso ng Sangguniang Bayan sa mining application ng APMC, tinututulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,309 total reads

Mariing tinutulan ng mga environmental advocate at ng alkalde ng San Fernando, Romblon ang pag-apruba ng Sangguniang Bayan sa resolusyong nag-eendorso sa mga aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC), kasabay ng panawagang muling pag-isipan ang desisyong maaaring magbukas ng malawakang operasyon ng pagmimina sa bayan.

Ayon kay Bayay Sibuyanon chairperson at Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha, hindi dapat maliitin ang magiging epekto ng pagmimina sa pamamagitan ng pagbibigay-diin lamang sa unang development area ng proyekto na may lawak na 42 ektarya.

“Hindi lamang sukat ng unang development area ang usapin. Ang mahalagang tanong ay ang kabuuang lawak ng Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) at ang pangmatagalang epekto nito. Ang 42 ektarya ay bahagi lamang ng operational plan sa isang yugto, ngunit ang MPSA ay sumasaklaw sa mas malaking lugar at maaaring lumawak ang operasyon alinsunod sa mga permit at work program,” pahayag ni Galicha.

Ipinaliwanag ni Galicha na hindi permanente ang isang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) at maaari pa rin itong suspendihin o kanselahin kung mapapatunayang may paglabag sa batas at environmental regulations.

Dagdag pa niya, may mahalagang gampanin ang lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kalusugan, kapaligiran, at kapakanan ng mga mamamayan sa ilalim ng Local Government Code.

Iginiit din ng environmental advocate na hindi dapat hintayin pang magkaroon ng pinsala bago kumilos dahil marami sa mga epekto ng pagmimina sa kalikasan ay hindi na maaaring maibalik sa dati.

“Sa usaping pangkalikasan, hindi lahat ng pinsala ay naibabalik. Kapag nasira ang watershed, nawala ang endemic species, o nalason ang ilog, hindi sapat ang pagsasabing ‘ipatitigil na lang.’ Ang prinsipyo ng prevention at precautionary principle ang sinusunod sa environmental law,” giit ni Galicha.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya si San Fernando Mayor Fernando Marin sa naging desisyon ng nakararaming miyembro ng Sangguniang Bayan na aprubahan ang naturang resolusyon.

Ayon kay Marin, ang pag-eendorso ay sumasaklaw sa mga aplikasyon para sa Declaration of Mining Project Feasibility, pagmimina, Miscellaneous Lease Agreement (MLA), at Tree Cutting Permit, na aniya’y maaaring magdulot ng hindi na maibabalik na pinsala sa kagubatan, kabundukan, mga ilog at kabuhayan ng mga residente.

“Naniniwala ako na ang ganitong usapin ay hindi dapat minamadali. Nararapat itong pag-aralang mabuti, pag-usapan nang bukas at tapat, at higit sa lahat, pakinggan ang tinig ng mga mamamayan na siyang direktang maaapektuhan ng proyektong ito,” saad ni Marin.

Nangako rin ang alkalde na maingat na rerepasuhin ng pamahalaang bayan ang naturang resolusyon upang matiyak na ang lahat ng hakbang ay naaayon sa umiiral na mga batas, sa Comprehensive Land Use Plan ng lokal na pamahalaan, at sa pangmatagalang kapakanan ng San Fernando.

“Habang ako ang inyong Punong Bayan, mananatili akong naninindigan para sa kalikasan, para sa ating mga mamamayan, at para sa kinabukasan ng ating mahal na San Fernando,” ayon kay Marin.

Bilang pakikiisa sa lumalakas na pagtutol sa pagmimina, pinatunog naman nang ilang minuto ang kampana ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Immaculate Conception sa San Fernando kasabay ng kilos-protesta ng mga residente matapos iendorso ng Sangguniang Bayan ang aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation para sa planong operasyon ng pagmimina sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 93,648 total reads

 93,648 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 128,325 total reads

 128,325 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 152,232 total reads

 152,232 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 188,717 total reads

 188,717 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 200,992 total reads

 200,992 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 87,579 total reads

 87,579 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top