Makakasalanan, binibigyang pagkakataon ng Diyos na magbago-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,050 total reads

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang mga mananampalataya na iwasan ang agarang paghatol sa kapwa at sa halip ay tularan ang Diyos na nagbibigay ng pagkakataon sa bawat makasalanan na magbago.

Sa pagninilay sa Misa para sa Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon sa Mary, Mother of Hope Chapel sa The Landmark Manila Bay, ipinaliwanag ng kardinal ang talinghaga ni Hesus tungkol sa trigo at mga damo bilang larawan ng Kaharian ng Diyos, kung saan magkasabay na umiiral ang mabuti at masama habang hinihintay ang takdang panahon ng paghuhukom.

Ayon kay Cardinal Tagle, maaaring magtaka ang marami kung bakit pinahihintulutan ng Diyos na manatili ang kasamaan sa mundo, ngunit ang sagot ay matatagpuan sa Kanyang awa at pagtitiis.

Aniya, hindi layunin ng Diyos na agad lipulin ang makasalanan kundi bigyan ito ng pagkakataong magsisi at magbalik-loob.

“He does not want to destroy His creature, who is a sinner. He loves the sinner and gives the sinner a chance,” ayon kay Cardinal Tagle.

Binigyang-diin ng kardinal na ang habag ng Diyos ay hindi nangangahulugang mawawala ang katarungan, sapagkat darating pa rin ang takdang panahon ng paghuhukom.

Dahil dito, sinabi ni Cardinal Tagle na dapat maging maingat ang mga Kristiyano sa pagtingin sa kapwa at piliing ituwid sa halip na basta punahin.

Inihalimbawa pa nito ang turo ni San Agustin na ang mga taong laging nakatuon sa pagkakamali ng iba ay kadalasang hindi nakikita ang sarili nilang pagkukulang.

“Those who criticize the faults of others, normally, usually, they are the ones who do not admit that they are also at fault… Sabi ni San Agustin, untruthfulness leads to just criticism, but no desire to correct,” saad ni Cardinal Tagle.

Sa huli, pinaalalahanan ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na gamitin ang awa, pagpapakumbaba, at hangaring maituwid ang kapwa sa halip na maging mapanghusga, sapagkat ang tunay na paghuhukom ay nananatiling nasa kamay ng Diyos.

“The choice is ours, whether we criticize or we correct someone,” ayon kay Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,496 total reads

 41,496 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,303 total reads

 146,303 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,413 total reads

 232,413 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,547 total reads

 302,547 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,492 total reads

 334,492 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,632 total reads

 162,632 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top