Senator-judges, pinaiiwas ni Tulfo sa privilege speeches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 997 total views

Sa pagbubukas ng ikapitong-araw ng paglilitis, iminungkahi ni Senator-Judge Erwin Tulfo sa impeachment court na iwasan ng bawat senator-judges ang ‘privilege speeches’ na walang kaugnayan sa impeachment ni Vice President Duterte.

Giit ni Tulfo, hindi ito ang tamang-panahon at pagkakataon para pag-usapan ang iland mga usapin upang hindi na maantala ang usapin ng impeachment.

“Napansin ko po na nagagamit ang oras ng impeachment court sa pagtatanggol sa sarili ng ilan sa mga kasaman natin sa mga akusasyon. This is not the right forum and the right venue , and not the right time to explain your situation. Kung gusto niyang mag-isplika sa mga saloobin at problema, Mari nyo pong gawin yan sa labas ng oras ng impeachment,” ayon pa kay Tulfo.

Ang mungkahi ay kapwa sinang-ayunan ni Senate Presiding Officer Francis Escudero at Senate President Sherwin Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na ang mga usapin na walang kaugnayan sa impeachment ay tatalakayin sa pagbubukas ng Senado, matapos ang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 27.

Sa talakayan, tinalakay ng mga senator judge kasama sina Atty. Michael Poa ng depensa at Prosecutor Jose Manuel Diokno ang kahalagahan ng confidentiality and freedom of information sa usapin at sa ngalan ng transparency at accountability hindi lamang para sa reklamo laban sa Bise Presidente kundi maging sa publiko.

Fishing expedition

Ayon kay Poa, maraming dokumento ang hinihingi ng prosekusyon kaya’t dapat ay specified ang hihingin at hindi hahanapin pa lang ang ebidensya na relevant o susuporta sa akusasyon na aniya’y ‘fishing expedition’.

“Yun pong fishing expedition po, ay halimbawa, may subpoena na baka sakali meron tayong makita,” ayon naman kay Diokno.

Iginiit ni Diokno na may sapat na batayan ang kahilingan ng prosekusyon na ma-subpoena ang bank records, tax records, at mga dokumento ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ni Vice President Duterte.

Dagdag pa ng kongresista, “Maalala po ninyo, during the hearings before the Committee on Justice, the executive director of the Anti-Money Laundering Council testified and produced documents showing that from 2007 up to the present, 6.7 billion pesos ang dumaan po sa account ni Vice President Sara Duterte.”

Binigyang-diin din niya na mahalagang masuri ang bank records, SALN, at iba pang financial documents upang matukoy kung may batayan ang alegasyon ng unexplained wealth.

Inaasahang pagbotohan ng senator-judges ang kahilingan ng prosecution, kung isu-subpoena ang mga tax at bank records na gagamiting ebidensya sa isinagawang paglilitis para sa article II sa apat na articles of impeachment o hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente.

Article 1 iregularidad sa paggamit ng confidential funds

Sisimulan na ng House prosecution panel ang paghaharap ng mga ebidensya kaugnay ng sinasabing iregularidad sa paggamit ng confidential funds sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Miyerkules.

Ayon kay House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, unang ihaharap bilang mga testigo ang direktor ng House Legislative Archive and Museum Management at dalawang branch managers ng Land Bank of the Philippines.

Sinabi ni Chua na layunin ng mga unang testigo na ilahad ang mga dokumento at rekord na may kaugnayan sa paglalabas at paggamit ng confidential funds.

Kasunod nito, inaasahang ipatatawag din ng prosekusyon ang iba pang mga testigo, kabilang si Ramil Madriaga na sinasabing bagman ni VP Sara, bilang bahagi ng presentasyon ng ebidensya.

Tinatayang nasa 13 hanggang 15 testigo ang nakalinyang iharap ng House prosecution para sa Article I ng Articles of Impeachment, na tumatalakay sa maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Bukas, July 21 inaasahang ihaharap ng prosekusyon si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag- bilang pinakahuling testigo para sa article IV o grave threats sa Articles of Impeachment.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,730 total views

 21,730 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,081 total views

 50,081 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,811 total views

 117,811 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,962 total views

 140,962 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 209,569 total views

 209,569 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top