Subpoena sa bank, tax at financial records ni VP Duterte at asawa, pinayagan ng Senate Impeachment Court

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 995 total views

Pinayagan ng Senate Impeachment Court ang kahilingan ng House prosecution na magpalabas ng subpoena para sa bank records, Anti-Money Laundering Council o AMLC records, at ilang tax records ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagdinig sa Article II ng Articles of Impeachment na tumutukoy sa sinasabing unexplained wealth.

Sa naging desisyon, sinabi ni Presiding Officer Francis Escudero na natugunan ng mga hinihinging dokumento ang mga requirements ng Rules of Court dahil malinaw ang mga ito at may sapat na kaugnayan sa kasong dinidinig ng impeachment court.

“After a careful examination of the records requested, the court finds that the requested documents meet the requirements set forth above. They are reasonably described, readily identifiable, prima facie relevant and material to the allegations under Article II,” ayon kay Escudero.

Pinayagan din ng korte na kunin ang ilang financial records mula 2007 hanggang 2021, ngunit nilinaw na magsisilbi lamang ang mga ito bilang batayan sa paghahambing ng idineklarang yaman ni Duterte sa kanyang kasalukuyang termino at hindi maaaring gamitin upang maghain ng panibagong impeachable offense.

Kasama rin sa inaprubahan ng impeachment court ang subpoena para sa ilang bank records ng asawa ng Bise Presidente na si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Escudero, “Because Philippine civil law legally merges their assets, properties and income into a single absolute community, it is a legal and mathematical impossibility to determine the respondent’s true net worth or lawful income without examining the bank accounts of her husband.”

Ayon sa korte, mahalagang masuri ang kabuuang ari-arian ng mag-asawa alinsunod sa mga umiiral na batas sa paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.

Pinaboran din ang subpoena para sa AMLC records ni Duterte, Carpio, Carpio Lawyers, at 19 na kumpanya na iniuugnay sa kanila. Gayunman, hindi isinama ang foreign currency deposits dahil nananatiling saklaw ito ng hiwalay na batas maliban kung may pahintulot ng depositor.

Samantala, inaprubahan rin ng impeachment court ang subpoena para sa ilang tax records mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR.

Gayunman, nilinaw ng korte na ang pagpapalabas ng subpoena ay hindi awtomatikong nangangahulugan na maaaring ilabas o tanggapin bilang ebidensya ang mga dokumento kundi ay dadaan pa ang mga ito sa itinakdang legal na proseso bago mapagpasyahan kung maaari itong gamitin sa paglilitis.

Inatasan ang AMLC at BIR na magsumite ng kaukulang tugon at mga hinihinging dokumento sa impeachment court sa July 30.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,728 total views

 21,728 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,079 total views

 50,079 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,809 total views

 117,809 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,960 total views

 140,960 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 209,567 total views

 209,567 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top