Bishop Mangalinao, nagpahayag ng pakikiisa sa 2 environmental lawyer na kinasuhan ng cyber libel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,793 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Diocese of Bayombong kina Atty. Fidel Santos at Atty. Ed Balgos na nahaharap sa cyber libel complaint kaugnay ng kanilang pagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga komunidad na nagtatanggol sa mga watershed at kalikasan sa Nueva Vizcaya at Quirino.

Sa pahayag, binigyang-diin ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang patuloy na pagsusulong ng diyosesis sa pangangalaga sa sangnilikha bilang bahagi ng misyon ng Simbahan.

Ayon sa obispo, ang pangangalaga sa kagubatan, ilog, at watershed ay pananagutang ipinagkatiwala ng Diyos sa sangkatauhan at nakaugat sa mga aral ng Ebanghelyo, Katuruang Panlipunan ng Simbahan, at ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis.

“We have consistently encouraged the responsible stewardship of our forests, rivers, and watersheds as sacred gifts entrusted to our care,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Sinabi ng obispo na kilala ng diyosesis sina Santos at Balgos bilang mga abogadong may integridad at malasakit na nag-alay ng kanilang kaalaman upang tulungan ang mga pamayanang nagsusulong ng pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan.

“Their commitment to justice and the common good reflects the finest ideals of the legal profession,” ayon sa obispo.

Iginiit ng Diocese of Bayombong na iginagalang nito ang kalayaan ng hudikatura at hindi nagbibigay ng paghatol sa nilalaman ng kasong kinahaharap ng dalawang abogado.

Gayunman, kinikilala nito ang mahalagang papel ng mga legal practitioner na naglilingkod sa mga pamayanan, lalo na sa pagtatanggol sa karapatan sa isang malinis at ligtas na kapaligiran.

Dagdag pa ng diyosesis, bahagi ng kanilang ipinagtatanggol ang karapatan ng bawat Pilipino sa isang balanse at malusog na kapaligiran na nakasaad sa Saligang Batas.

Nanawagan naman si Bishop Mangalinao na manaig ang katotohanan, katarungan, pagiging patas, at wastong proseso ng batas sa nagpapatuloy na legal na proseso.

“May God continue to bless all who work with integrity for the protection of creation and the promotion of the common good,” saad ni Bishop Mangalinao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,578 total reads

 41,578 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,384 total reads

 146,384 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,494 total reads

 232,494 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,628 total reads

 302,628 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,572 total reads

 334,572 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,644 total reads

 162,644 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top