Hindi maaring baguhin ang alituntunin ng impeachment proceedings para pagbigyan si Marcoleta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,996 total reads

Binigyang-diin ni House Prosecution Panel Adviser at Spokesperson Robert Ace Barbers na hindi maaaring baguhin ng Senado ang mga alituntunin ng impeachment proceedings habang nagpapatuloy ang paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Barbers na kung may pagbabago man sa mga probisyon ng rules sa impeachment proceedings, kinakailangan itong aprubahan ng mayorya ng mga miyembro ng Senado at ipa-publish muna bago ito magamit na maaring magdulot ng pagkaantala ng paglilitis.

“Marami po kasing proseso, halimbawa po nagbago tayo ng mga probisyon ng ating rules sa impeachment proceedings, yan po ay pagbobotohan ng mayorya ng miyembro ng Senado at ipa-publish muna po ito bago magamit. Sa aking paniwala po kasi you cannot change the rules in the middle of the game,” Bahagi ng pahayag ni Barbers sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Surigao del Norte, kung wala sa kasalukuyang rules ang isang probisyon, tulad ng isyung may kinalaman sa pagboto ni Senator Rodante Marcoleta kahit ito ay kasalukuyang nakakulong ay hindi ito basta maaaring idagdag habang tumatakbo na ang proseso ng impeachment court.

“Wala sa rules yan, at kung wala po sa rules yung sinasabi na pwedeng bumoto si Senator Marcoleta ay hindi na po palagay ko mababago yung probisyon ng kanilang rules,” Dagdag pa ni Barbers.

Samantala, ipinahayag ni Barbers ang paniniwala ng prosecution na hindi pa nasisira ang kredibilidad ng dalawang testigong iniharap nila sa Senado na nakapagpatibay sa kaso na grave threat ng bise presidente.

“Sa panig po ng Prosecution ako po ay naniniwala na dun sa dalawang witnesses na prinisenta natin dito sa Senado ay hindi pa po nagigiba yung kanilang kredibilidad, yung kanilang reputation, matibay pa po ang kanilang mga sinabi at in fact ito ang sa aking palagay ay nakapagbigay ng strength o ng lakas at tibay dun sa allegations of grave threat committed by the Vice President,” Ayon pa kay Barbers.

Tinalakay rin ni Barbers ang alegasyon ng unexplained wealth ni Vice President Duterte, na ayon sa prosekusyon ay maaaring maging malinaw na batayan ng betrayal of public trust kung mapatutunayan sa pamamagitan ng ebidensya partikular na ang mga bank at financial records na nakatakdang suriin ng impeachment court.

“Kapag napatunayan po dala ng mga ebidensyang ito na meron po siyang unexplained wealth o yaman na hindi niya maipaliwanag while she was in office ay yan po ay klarong betrayal of public trust, yan po ay isa sa mga grounds for an impeachable officer to be impeached or to be convicted,” Pagbabahagi pa ni Barbers.

Paliwanag ni Barbers, na ihahambing ng prosecution ang mga deklaradong yaman sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng bise presidente sa mga bank records at financial transaction records upang malaman kung may mga hindi naideklarang ari-arian o yaman.

“Kung halimbawa po mas marami yung kanilang bank records kaysa dun sa idineklarang yaman at after suriin ito nakita na may tinatago o hindi naideklara ay yan po ay another violation under the SALN Law,”
Ani Barbers.

Kaugnay naman ng alegasyon ng grave threat, iginiit ni Barbers na naniniwala ang prosekusyon na ito ay isang krimen na pinaparusahan sa ilalim ng Revised Penal Code at maaaring magresulta sa paglabag sa sinumpaang tungkulin ng isang impeachable official.

“Para po sa amin sa Prosecution yun pong Grave Threat ay pinaparusahan under the Revised Penal Code, meron pong krimen ito eh, this is a criminal act… you have already betrayed the public trust by issuing a statement na ipapapatay mo ang ating pangulo,” Pagtatapos ni Barbers.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,179 total reads

 24,179 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 172,338 total reads

 172,338 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 207,014 total reads

 207,014 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 223,175 total reads

 223,175 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 259,660 total reads

 259,660 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 267,942 total reads

 267,942 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,181 total reads

 24,181 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top