Trust rating ng pangulo ng Pilipinas, bumababa habang tumatagal sa panunungkulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,655 total reads

Ipinaliwanag ni Social Weather Stations (SWS) Director of Communications and Information Technology Leo Laroza na normal ang pagbaba ng trust rating ng isang pangulo habang tumatagal ito sa panunungkulan.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Laroza na karaniwan ding nakikita ang pagbaba sa satisfaction rating ng isang administrasyon habang lumilipas ang panahon.

“Tungkol po sa Trust Rating, sa isang presidente po typically habang tumatagal sa kanyang panunungkulan, sa kanilang administrasyon normal po na may pagbaba, nangyayari rin po yan sa satisfaction rating so normal po yan,” Bahagi ng pahayag ni Laroza.

Ayon sa opisyal ng SWS, malaking salik din ang uri ng impormasyong natatanggap ng mga mamamayan sa paghubog ng kanilang pananaw sa Pangulo.

Gayunman, aminado si Laroza na hindi madaling matukoy ng isang ordinaryong mamamayan kung ang isang impormasyon ay fake news na walang katotohanan o hindi.

“Pagdating naman po sa information, yes malaking factor po yung uri ng information na nakukuha ng ating mga kababayan. Ngayon kung pagdating po sa pagiging fake news po ito o hindi, hindi na po masyadong nadi-determine ng isang reader yan kung fake ba ang nababasa niya o hindi,” Dagdag pa ni Laroza.

Paliwanag ni Laroza, kahit malaman ng isang tao na peke ang isang impormasyon, may kanya-kanya pa rin itong paraan ng pagproseso ng naturang impormasyon upang makabuo ang sariling opinyon tungkol sa Pangulo.

Tinalakay rin ng opisyal ng SWS ang pagkakaiba ng opinyon ng mga mamamayan batay sa lokasyon, partikular ang pagitan ng Metro Manila at mga lugar sa labas nito.

“Yung tungkol po sa distribution, tama malaki rin yung pagkakaiba per area kung kaya’t makikita na may kaibahan po talaga kung minsan ang opinion na nanggagaling sa sentro sa Metro Manila compared sa outside of Metro Manila,”
Ani Laroza.

Sa kabila ng iba’t ibang salik na maaaring makaapekto sa trust rating, binigyang-diin ni Laroza na ang malinaw na ipinapakita ng survey ay ang normal na pagbaba ng trust rating habang mas tumatagal ang isang pangulo sa kanyang administrasyon.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,185 total reads

 24,185 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 172,341 total reads

 172,341 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 207,017 total reads

 207,017 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 223,178 total reads

 223,178 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 259,663 total reads

 259,663 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 267,945 total reads

 267,945 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,186 total reads

 24,186 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top