PBBM, walang pangmatagalagang strategic plan sa ugat ng suliranin ng bansa-eksperto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,932 total reads

Iginiit ng isang eksperto sa pamamahala at rural development na mahalagang mailatag ng pamahalaan ang isang malinaw na pangmatagalang estratehiya upang matugunan ang ugat ng mga pangunahing suliraning kinakaharap ng bansa, sa halip na maglatag lamang ng mga panandaliang solusyon.

Sa panayam sa espesyal na programang “Pag-uulat sa Bayan: State of the Nation Address 2026” ng Radyo Veritas, sinabi ni Dr. Christopher Mantillas, Associate Professor ng Institute for Governance and Rural Development (IGRD) ng College of Public Affairs and Development (CPAF), ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), na inaasahan niyang maipapakita sa SONA ang pangmatagalang strategic plan ng administrasyon upang maging malinaw ang mga prayoridad at direksyon ng pamahalaan.

“Ang inaasahan sana namin yung parang sabihin nalang natin na ‘ipresent mo nga yung long-term strategic plan mo’ kasi ang thinking naming is that, nandun ang root cause at nandun din yung pagbabatay kung gaano kalaking resources ang ibibigay dun tapos unti-unti maso-solve yung mga problema within those issues, kaya ang tingin ko baka ang naging approach niya is to site ano yung nararamdaman ng mga Pilipino which is political ang dating.” Bahagi ng pahayag ni Mantillas.

Ayon kay Mantillas, bagama’t tumutugon ang Pangulo sa mga isyung nararamdaman ng publiko, mas mahalagang matukoy at masolusyunan ang mga ugat ng mga problemang ito upang maging pangmatagalan ang mga solusyon at reporma.

“Dapat hindi lang sinasabi ang mga issue kundi ano ba ang tutugunan natin na pinagmumulan ng lahat ng mga problemang ito. Kung hindi, babalik at babalik din ang parehong mga suliranin at hindi magiging sustainable ang mga ipinapangako sa bawat SONA,” Ayon kay Mantillas.

Binanggit din ng propesor na bagama’t natalakay ang usapin ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), kapansin-pansin ang kakulangan ng pagtalakay sa pangangalaga sa kalikasan, na aniya’y isa sa mga pangunahing sanhi ng maraming suliraning kinakaharap ng bansa, kabilang ang mga problemang may kaugnayan sa pagkain at enerhiya.

Paalala ng Simbahang Katolika, ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nakabatay sa agarang pagtugon sa mga suliranin kundi sa pagsusulong ng mga polisiyang nakaugat sa katotohanan, pananagutan, at pangangalaga sa sangnilikha.

Sa ilalin ng Catholic Social Teaching itinuturo na ang mabuting pamamahala ay dapat nakatuon sa pangmatagalang kabutihang panlahat upang matiyak ang isang makatarungan at sustenableng kinabukasan para sa lahat.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,601 total reads

 22,601 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,687 total reads

 3,687 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,276 total reads

 40,276 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,682 total reads

 96,682 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,169 total reads

 220,169 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top