Pag-aruga sa mga matatanda, panawagan ni Pope Leo XIV sa mga kabataan at pamayanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,320 total reads

Kasabay ng paggunita ng World Day for Grandparents and the Elderly, ipinaalala ni Pope Leo XIV sa mga kabataan at pamayanan ang kahalagahan ng pagdalaw at pag-aaruga sa mga nakatatanda, lalo na sa mga nalilimutan at nag-iisa

Ayon kay Fr. Greg Gaston, rector ng Pontificio Collegio Filippino at Vatican correspondent ng Radyo Veritas, binigyan-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng mga nakatatanda sa paghubog ng kasaysayan, lipunan at sa simbahan.

Ipinaalala ni Fr. Gaston ang mensahe ni Pope Leo XIV para sa mga nakatatanda, lalo na sa paggunita sa mga kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana, mga magulang ng Mahal na Birheng Maria at mga lolo’t lola ni Hesus.

Ayon sa pari, binigyang-diin ng Santo Papa na hindi nakakalimot ang Diyos sa bawat tao, lalo na sa mga matatanda na maaaring makaramdam ng pag-iisa o pagiging hindi na mahalaga sa lipunan.

“Ang Panginoon hindi nakakalimot. Kahit minsan nakakalimutan tayo ng mga tao, ng ating lipunan, ng ating pamilya, ang Panginoon ay hindi nakakalimot sa atin,” bahagi ng pagbabahagi ni Fr. Gaston.

Hinimok naman niya ang mga pamilya na huwag pabayaan ang mga magulang, lolo at lola, dahil ang kanilang buhay at sakripisyo ay malaking biyaya na patuloy na nagbibigay ng gabay sa mga susunod na henerasyon.

“Napakalaking biyaya ang ibinigay ng Panginoon sa atin sa pamamagitan ng ating mga magulang. Kung wala na sila, mula sa langit ay patuloy pa rin ang kanilang pagmamahal at panalangin para sa atin,” ani Fr. Gaston.
Pilipinas, papunta sa aging population
Nagpahayag naman ng pangamba ang pari sa mabilis na pagdami ng populasyon ng mga nakatatanda kasabay ng bumababang bilang ng mga ipinapanganak sa Europa, at maging sa iba pang mga bansa kabilang na ang Pilipinas.

Ayon kay Fr. Gaston, mahalagang pag-aralan ng bansa ang mga magiging epekto sa ekonomiya at lipunan ng patuloy na paglaki ng sektor ng mga senior citizen.

Aniya, hindi lamang usapin ng dami ng populasyon ang dapat tingnan, kundi kung paano haharapin ng lipunan ang pangangailangan ng lumalaking bilang ng matatanda.

Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na nagbabago na ang larawan ng populasyon ng Pilipinas. Kung noon ay karaniwan ang malalaking pamilya, mas marami na ngayon ang may isa o dalawang anak lamang.

“Dati, kung apat ang anak, maliit na pamilya. Ngayon, kapag apat ang anak, malaking pamilya na iyon,” aniya.

Binanggit din ni Fr. Gaston ang mga pag-aaral ng United Nations at UP Population Institute na nagpapakita ng patuloy na pagtanda ng populasyon, dahilan upang maging mahalagang paghandaan ang epekto nito sa ekonomiya, serbisyong pangkalusugan, at social protection.

Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority at Commission on Population and Development, bumaba na sa humigit-kumulang 1.9 children per woman ang fertility rate ng Pilipinas, mas mababa sa replacement level na 2.1 children per woman, na itinuturing na kinakailangan upang mapanatili ang laki ng populasyon sa paglipas ng panahon.

“Napakaraming bansa ay hindi na makapag-replace ng population. Maraming bansa ay wala nang mga bata. Ibig sabihin, bumaba sila sa replacement level. Kasi sa isang bansa, kailangan mo ng 2.1 children per woman. Bakit 2.1 children? Kasi dalawang parents, mamamatay, papalitan mo yan. And then 0.1, kasi hindi naman lahat ng mga tao na pinapanganak ay nanganganak din. Yung iba baka walang asawa, iba infertile, iba bata pa lang namatay na. Kaya kailangan mo ng 2.1 na anak sa bawat babae. Hindi sa bawat pamilya, kundi bawat babae,” ayon kay Fr. Gaston.

Sa kabila nito, sinabi niyang patuloy pa ring lumalaki ang kabuuang populasyon dahil sa pagdami ng matatanda at mas mahabang haba ng buhay ng mga tao.

“Ngayon, lumalaki pa ang population, hindi dahil sa maraming bata, kundi sa bigat ng population, UP Population Institute noong 2007, may study sila, sabi nila, the fastest growing sector in Philippine society is the elderly. Ang pinakamabilis dumami sa Pilipinas, ang matatanda. 2007 pa po yun. 2007.,” paliwanag niya.

Aniya, maraming mga pamilya sa kasalukuyan ay mayroon na lamang isa hanggang sa dalawang mga anak.

Hamon sa kinabukasan

Ayon kay Fr. Gaston, dapat paghandaan ng bansa ang mga epekto nito sa ekonomiya, kabilang ang pangangalaga sa kalusugan, social protection, at suporta sa mga senior citizen.

“Sana mapag-aralan pa ang consequence sa economy, ano mangyayari pag marami ang matanda,” dagdag pa ng pari.

Giit ng pari, mahalagang magkaroon ng pagtingin sa hinaharap upang matiyak na ang mga matatanda ay hindi magiging pasanin kundi mananatiling mahalagang bahagi ng lipunan.

Iniugnay niya ito sa panawagan ni Pope Leo XIV na ipakita ang pagmamahal at malasakit sa mga nakatatanda.

“Alagaan natin sila dahil darating ang panahon na tayo rin ay tatanda. Parang paying forward ito — kung paano natin inalagaan ang mga bata ngayon, sana sila rin ang mag-alaga sa atin sa hinaharap,” ani Fr. Gaston.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,753 total reads

 131,753 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,834 total reads

 174,834 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,592 total reads

 224,592 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,786 total reads

 383,786 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,862 total reads

 404,862 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top