Mas malawak na pagtutulungan, tugon sa problema ng karahasan sa mga paaralan-TDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,764 total reads

Nanawagan ang Teachers Dignity Coalition (TDC) ng mas malawak na pagtutulungan ng pamilya, paaralan, pamahalaan, komunidad, at media upang matugunan ang lumalalang insidente ng karahasan sa mga paaralan.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni TDC Secretary General Jim Lester Beleno na bagama’t mahalagang hakbang ang pagpapatupad ng Republic Act 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, hindi ito sapat upang ganap na masolusyunan ang problema ng karahasan sa mga paaralan.

“Hindi po amin masusulusyunan ang karahasan lamang sa paaralan, kahit po ang DepEd. Kinakailangan po ang whole-of-society approach. Dapat katuwang ang mga pamilya, ang komunidad, ang media, at lalong-lalo na ang estado,” Bahagi ng pahayag ni Beleno.

Ayon sa TDC, nagsisilbing wake-up call ang mga nagdaang insidente ng karahasan sa mga eskwelahan upang repasuhin ng Department of Education ang mga umiiral na polisiya, lalo na ang pagpapalakas ng guidance and counseling services sa mga paaralan.

Nanawagan din si Beleno na magtalaga ng sapat na guidance advocates na tututok sa pangangalaga sa mental health ng mga mag-aaral at sa tuluy-tuloy na counseling.
Ipinahayag din ng samahan ang pangamba ng mga guro sa usapin ng kaligtasan sa loob ng mga paaralan.

“Nakakalungkot at nakakaalarma po sa amin na sana pag pumapasok kami ay sigurado ang kaligtasan ng mga guro at mga mag-aaral,” Ani Beleno.

Iginiit din ng TDC na dapat palakasin ang seguridad sa mga paaralan, kabilang ang agarang pagpapatupad ng active shooter drills at mas malapit na koordinasyon sa Philippine National Police upang mabilis na makatugon sa oras ng emergency.

Binigyang-diin din ni Beleno ang pangangailangang magkaroon ng malinaw na gabay sa pagdidisiplina sa mga mag-aaral, kasabay ng panawagang maisabatas ang Teacher Protection Policy.

Paliwanag ni Beleno, bagama’t umiiral ang Child Protection Policy at ipinagbabawal ang corporal punishment, nagiging mahirap na rin para sa mga guro ang pagpapanatili ng disiplina sa loob ng silid-aralan.

“Kung gusto ninyo ng kalidad na edukasyon, siguraduhin naman na sapat ang seguridad at ang mga kinakailangan ng mga guro,” Ayon pa kay Beleno.

Ipinaalala rin ni Beleno na bagama’t kinikilala ang mga guro bilang loco parentis o pagiging pangalawang magulang ng mga mag-aaral habang nasa paaralan, nananatili pa ring pangunahing responsibilidad ng mga magulang ang paghubog sa asal at disiplina ng kanilang mga anak.

“Kami po ang tumatayong pangalawang magulang, pero ang primary role pa rin ay nasa tahanan,” Paliwanag ni Beleno.

Patuloy namang itinataguyod ng Simbahan na ang edukasyon ay bunga ng sama-samang pananagutan ng pamilya, paaralan, pamahalaan, at buong komunidad kung saan tanging sa pamamagitan ng pagkakaisa, paghubog ng tamang asal, at pangangalaga sa mental at emosyonal na kalusugan ng kabataan, higit na maitataguyod ang ligtas at makataong kapaligiran sa mga paaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 81,440 total reads

 81,440 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 125,751 total reads

 125,751 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 162,751 total reads

 162,751 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 269,626 total reads

 269,626 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 310,320 total reads

 310,320 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top