Pambabatikos ni VP Duterte sa kalidad ng pamamahayag sa Pilipinas, hindi katanggap-tanggap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,300 total reads

Binigyan-diin ng propesor ng Journalism sa University of the Philippines na hindi katanggap-tanggap ang malawakang pagbatikos ni Vice President Sara Duterte sa kalidad ng pamamahayag sa Pilipinas.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Dr. Danilo Arao, propesor ng Journalism sa UP-Diliman College of Media and Communication na mali ang paglalahat na mas mababa ang kalidad ng Philippine journalism kumpara sa ibang bansa.

Ipinaliwanag ng propesor na ang naging pahayag ng Bise Presidente ay hindi maituturing na makabuluhang puna kundi isang mapanirang pag-atake sa buong hanay ng media.

“Totoo namang may mahuhusay na mga peryodista, pero mayroon ding ilan na hindi masyadong mahusay at mayroon ding unethical. Tanggap naman natin iyan. Pero ang mga tunay na peryodista, gaano man sila kahusay o kasimula pa lamang, dapat ay bukas sa constructive criticism… Yung ginawa ni Vice President Duterte, hindi po constructive. Napaka-destructive o damaging dahil parang pinapaniwala niya ang publiko na mababa ang kalidad ng mainstream media,” Bahagi ng pahayag ni Arao.

Binigyang-diin ni Arao na kasabay ng pagbatikos sa tradisyunal na media ay tila isinusulong ng bise president ang mga hyper-partisan vloggers at content creators na aniya’y kilala sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

Ayon sa propesor, matagal nang ginagamit ang taktikang pagbanggain ang mga propesyonal na mamamahayag at mga content creator upang pahinain ang kredibilidad ng tradisyunal na media.

Binalaan din niya ang publiko sa panganib ng social media algorithms na nagbibigay ng insentibo sa pagpapakalat ng maling impormasyon dahil nagiging viral at kumikita ang mga gumagawa nito.

“Kapag nagpapakalat ng kasinungalingan at nag-viral, kumikita pa sila. Kaya ang praktikal na payo natin, huwag nang mag-engage sa kanilang content. Kung kailangang i-fact-check, i-screenshot na lamang at huwag nang direktang i-link ang kanilang original na post,” Dagdag pa ni Arao.

Inamin din ni Arao na hindi lahat ng media organizations ay pare-pareho ang pamantayan sa pamamahayag at mayroon ding mga organisasyong maaaring punahin at may pagkiling ngunit gayunpaman nananatiling mahalaga ang transparency at editorial independence sa mga lehitimong news organizations.

“May matitino at mayroon ding hindi. Pero sa mga lehitimong media organizations, ang mahalaga ay may transparency at sa ngayon, hindi pa natin nakikitang naaapektuhan ang kanilang mga balita dahil sa mga interes ng kanilang mga may-ari,” Ayon pa kay Arao.

Matatandaang patuloy na binibigyang-diin ng Simbahang Katolika ang mahalagang papel ng malaya at responsableng pamamahayag sa pagtataguyod ng katotohanan at ng kabutihang panlahat.

Sa mensahe ni Pope Leo XIV para sa mga Catholic communicators, hinikayat ng Santo Papa ang mga mamamahayag na gamitin ang komunikasyon bilang kasangkapan ng katotohanan, paggalang sa dignidad ng tao, at pagsusulong ng kapayapaan.

UNDAS 2026, generally peaceful

 17,045 total reads

 17,045 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 30,674 total reads

 30,674 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 80,426 total reads

 80,426 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 239,619 total reads

 239,619 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 266,780 total reads

 266,780 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 299,618 total reads

 299,618 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

UNDAS 2026, generally peaceful

 17,046 total reads

 17,046 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »
Scroll to Top