Bishop Santos, nanawagan ng pagtutulungan at panalangin sa mga apektado ng masamang panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,791 total views

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos ng pagkakaisa, pananalangin at pagtutulungan sa patuloy na epekto ng masamang panahon na nararanasan ng maraming Pilipino.

Ipinarating ni Bishop Santos ang pakikiisa at panalangin para sa mamamayan, partikular sa mga nasasakupan ng Diocese of Antipolo at sa mga komunidad na naapektuhan, napilitang lumikas at kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center.

Tiniyak ng Obispo na kaisa ng mga nasalanta ng masamang panahon ang simbahang katolika na nakahandang umagapay.

Partikular ding ipinanalangin ng Obispo ang mga nawalan ng tahanan at kabuhayan, mga pamilyang nababalisa at lumikas, gayundin ang mga bata, matatanda, maysakit at iba pang higit na nangangailangan ng proteksyon at tulong.

Hiniling din niya ang kaligtasan at patuloy na lakas para sa mga rescuer, volunteers, kawani ng pamahalaan, social workers at parish workers na patuloy na naglilingkod sa mga komunidad higit na ngayong naranasan ang masamang panahon.

Tiniyak ng Obispo na nakahanda ang mga simbahan sa Diocese of Antipolo na tumugon sa pangangailangan ng mamamayan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Hiniling ni Bishop Santos sa mga Pari at parish communities na manatiling alerto at kagyat na tumugon sa mga lugar na maaaring mangailangan ng paglikas.

“Regarding our parishes, our churches and parish communities are ready to respond according to the needs of our people and in coordination with the proper local authorities. I have asked our priests and parish communities to remain attentive and responsive, particularly in areas where evacuation and emergency assistance may become necessary. Our Antipolo Social Action Center continues to coordinate relief and assistance with our parishes and with the communities most affected,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Antipolo Social Action Center sa mga parokya at mga komunidad na higit na naapektuhan upang maihatid ang kinakailangang relief at assistance.

Hinikayat pa ng Obispo ang publiko na magtulungan, magbahagi ng anumang makakaya, manalangin para sa isa’t isa at kumustahin ang mga kapwa partikular ang mga ‘Most Vulnerable’ ngayong panahon ng sakuna.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na bagama’t maaaring palibutan ng mga bagyo ang mga komunidad, higit na makapangyarihan ang pag-ibig ng Diyos.

Bilang panalangin para sa kaligtasan ng mga Pilipino, binanggit niya ang Psalm 46:2: “The Lord is my refuge and my strength, an ever-present help in distress.”

Hinikayat pa ng Obispo ang lahat na manatiling kalmado, mapagmatyag, nagkakaisa at patuloy na nananalangin.

“As we pray in the Psalm: “The Lord is my refuge and my strength, an ever-present help in distress.” (Psalm 46:2) May Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, our beloved Mother and Patroness, cover our families and communities with her maternal mantle. May she intercede for us and lead us always to her Son, Jesus Christ, our source of hope and peace. Let us remain calm, vigilant, united, and prayerful. May God protect our people, bless our Diocese, and keep every Filipino family safe. Amen,” ayon pa sa mensaheng pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ipinagdarasal din ni Bishop Santos ang pamamagitan ni Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, patrona ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, upang balutin ng kanyang pangangalaga ang mga pamilya at komunidad at akayin ang lahat kay Hesukristo, ang bukal ng pag-asa at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 4,500 total views

 4,500 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 60,510 total views

 60,510 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 124,191 total views

 124,191 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 193,440 total views

 193,440 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 223,673 total views

 223,673 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top