Makipagtulungan sa mga otoridad sa tuwing may kalamidad, panawagan ng OCD sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,246 total views

Hinimok ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residenteng nasa mabababang mga lugar at mga apektado ng dalawang nagdaang bagyo at ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad na lumikas kapag inabisuhan ng lokal na pamahalaan, upang maiwasan ang kapahamakan.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni OCD Information Officer Diego Agustin Mariano na nasa 223 pamilya o 752 katao na ang direktang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat, habang mahigit 10,000 pamilya o higit 34,000 katao naman ang kasalukuyang nasa evacuation centers.

“Kapag ang ating authorities ay nagtawag ng evacuation, sana po tayo ay sumunod at mag-evacuate. Para ito po ay sa inyong kaligtasan at maiwasan po natin ang dagdag na casualties,” Bahagi ng pahayag ni Mariano sa Radyo Veritas.

Binigyang diin din ni Mariano ang pagiging handa at pagkakaroon ng tamang impormasyon ng bawat isa na makatutulong upang manatiling kalmado at makagawa ng tamang hakbang sa oras ng sakuna.

“Once na alam natin ang dapat nating gawin, tayo ay kalmado at tayo ay magiging ligtas, at magiging ligtas din po ‘yung ating mga kasama sa buhay,” Dagdag pa ni Mariano.
Naitala rin ng OCD ang walong nasawi, siyam na sugatan at isang nawawala dahil sa epekto ng sama ng panahon.

Umabot naman sa tinatayang ₱1.12 bilyon ang pinsala sa imprastruktura, habang nasa ₱3.53 milyon naman ang pinsala sa sektor ng agrikultura.

Samantala, inihayag rin ni Mariano na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang pangunahing pangangailangan ng mga evacuee, partikular na ang pagkain, medical assistance at iba pang basic needs kung saan batay sa tala ng OCD umaabot na sa ₱33.94 milyon na halaga ng assistance ang naipamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng kasalukuyang sama ng panahon.

Binigyang-diin din ng OCD ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga power provider, lalo na sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha.

Ayon kay Mariano, kailangang agad na nakikipag-ugnayan ang mga electricity provider sa mga kinauukulang LGU upang matukoy kung ligtas pang panatilihing bukas ang suplay ng kuryente o kinakailangan na itong patayin kapag tumataas ang tubig-baha.

Samantala, patuloy ding naaantala ang biyahe sa ilang pantalan dahil sa masamang panahon kung saan nasa 383 pasahero, 44 rolling cargoes at limang sasakyang-pandagat ang stranded, habang 18 pantalan ang kasalukuyang sarado.

Sa kabila ng mga panganib, sinabi ng OCD na mahalaga ring maging mapagmatyag at maalam ang publiko sa mga hazard na maaaring makaapekto sa kanilang lugar.

“Tayo po’y maging maalam sa paligid natin. Alamin natin kung ano po ‘yung nangyayari sa paligid natin, at alamin natin ano ‘yung mga hazard na meron po sa ating kapaligiran,” Ani Mariano.

Sa panahon ng kalamidad, muling ipinapaalala ng Simbahan na ang pagsunod sa abiso ng mga awtoridad na lumikas bago lumala ang sitwasyon ay hindi lamang usapin ng pagsunod sa kautusan, kundi isang konkretong paraan ng pagpapahalaga sa buhay lalo na sa mga bata, matatanda, may sakit at iba pang higit na nangangailangan ng proteksiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 4,450 total views

 4,450 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 60,467 total views

 60,467 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 124,148 total views

 124,148 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 193,398 total views

 193,398 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 223,631 total views

 223,631 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 15,157 total views

 15,157 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top