7.2-trilyong pisong NEP, isinumite ng DBM kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,247 total reads

Isinumite na ng Department of Budget and Management o DBM kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱7.2 trilyong National Expenditure Program o NEP para sa 2027.

Pinangunahan ni DBM Secretary Kim Robert de Leon ang pagsusumite ng panukalang pambansang budget ngayong Lunes, Agosto 10, ayon sa anunsyo ni Communications Undersecretary Claire Castro sa isinagawanga press briefing sa Malacañan.

Ayon kay Castro, nakatuon ang panukalang budget sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, seguridad at pagpapalakas ng mga komunidad, alinsunod sa temang People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future.

Pormal namang ituturn-over ng DBM sa Kongreso ang NEP 2027 bukas, Agosto 11, bilang bahagi ng proseso ng pagbuo at pag-apruba ng pambansang budget.

Flood control projects, isasama sa 2027 budget

Sa hiwalay na pulong balitaan, inihayag naman ni Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon na isasama sa panukalang 2027 national budget ang mga proyekto para sa flood management at flood mitigation.

Ayon sa kalihim, pangunahing tututukan ng ahensya ang pagpapatupad ng mga flood control masterplan at pagkukumpuni ng mga nasirang flood mitigation projects.

“So, tuluy-tuloy lang tayo and ngayon na papasok na ang 2027 budget na isusumite magkakaroon na tayo ng mga flood management at flood mitigation projects sa 2027 budget at naka-focus tayo dito sa mga iba’t ibang interventions na ito,” ayon kay Dizon.

Kasama rin sa prayoridad ang pagpapalakas ng flood control systems sa mga urban area na mataas ang panganib sa pagbaha, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Cebu.

Layunin ng mga hakbang na mapababa ang panganib ng pagbaha at maprotektahan ang mga komunidad, kabahayan at pangunahing imprastraktura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 21,132 total reads

 21,132 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 76,222 total reads

 76,222 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 139,903 total reads

 139,903 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 208,496 total reads

 208,496 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 238,693 total reads

 238,693 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 40,701 total reads

 40,701 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top