SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,517 total reads

Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda sa Nobyembre.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas, inihayag ni Miguel Angelo Basuel, National Director ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) na hindi ito ang unang pagkakataon na ipinagpaliban ng Kongreso ang barangay at SK elections, matapos ang kaparehong postponement noong 2023.

Aniya, mahalagang mapanatili ang karapatan ng mga mamamayan na pumili ng mga lider na tunay na kumakatawan sa kanilang pangangailangan, lalo na sa pinakamababang antas ng pamahalaan.

“The public has the right to exercise their suffrage and choose a leadership which is aligned to their interests, na ayon sa kanilang pangangailangan at interes lalo na sa pinakabatayang level ng gobyerno,” Bahagi ng pahayag ni Basuel sa Radyo Veritas.

Giit ni Basuel, hindi dapat maging dahilan ang sinasabing krisis pang-ekonomiya upang ipagpaliban ang halalang pambarangay, lalo na kung may nakalaan ng pondo para rito sa 2026 General Appropriations Act.

“There is no reason to misalign these funds para sa ibang mga pampublikong serbisyo,” Paliwanag ni Basuel.

Iginiit nito na maaaring tugunan ng pamahalaan ang pangangailangan sa public services nang hindi isinasakripisyo ang karapatang bumoto ng mamamayang Pilipino.

Para kay Basuel, hindi dapat gawing “collateral damage” ang mga mamamayan dahil sa mga hamon sa pagpapatupad ng mandato ng pamahalaan.

“Pwede naman na magkaroon ng nararapat na public services, pwede naman na magkaroon ng eleksyon sa darating na Nobyembre,” Dagdag pa ni Basuel.

Kasabay nito, binigyang-diin din ni Basuel ang mga problemang matagal nang kinakaharap sa lokal na pulitika, kabilang ang political patronage, vote-buying at iba pang anyo ng maling pamumulitika na maaaring makaapekto sa mga halalan sa barangay.

Ikinababahala rin ng SPARK ang kapakanan ng mga kabataan dahil sa maaari ring naaapektuhan ang kanilang kinatawan sa Sangguniang Kabataan mga maling nagaganap sa larangan ng pulitika sa bansa.

“Ang pinakanakakabahala po dito ay dahil ang rason kung bakit ganito ang pagtingin sa ating mga SK official ay dahil disempowered sila. Hindi sila binibigyan ng nararapat na kapangyarihan,” Ani ni Basuel.

Ipinaliwanag ni Basuel na maraming SK officials ang may kakayahang magsagawa ng mga programang higit pa sa karaniwang sports at recreational activities, kabilang ang mga proyekto sa edukasyon, kalusugan at komunikasyon para sa mga komunidad ngunit kinakailangan nito ang sapat na pondo, training at kalayaan upang maisagawa ang kanilang mandato nang hindi naiimpluwensiyahan ng partisan politics.

“Marami pong nagagawa ang Sangguniang Kabataan basta’t nabibigyan sila ng nararapat na pondo, nararapat na training, at nararapat na espasyo para intindihin ang kanilang mga kapaligiran at maisagawa ang kanilang mga proyekto,” Ayon kay Basuel.

Sa bahagi naman ng Simbahan, ang pakikilahok sa halalan ay bahagi ng pananagutan ng bawat mamamayan sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat kung saan mahalaga rin ang paghuhubog sa mga kabataan bilang responsableng mamamayan, hindi lamang bilang mga botante kundi bilang mga maaaring maging lider at tagapaglingkod ng kanilang komunidad sa hinaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 109,695 total reads

 109,695 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 143,025 total reads

 143,025 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 175,169 total reads

 175,169 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 241,231 total reads

 241,231 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 253,447 total reads

 253,447 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top