Tunay na pagsamba sa Diyos hindi maaring ihiwalay sa pagtataguyod ng katarungan-DPSTS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,934 total reads

Nanawagan ang Daupang-Palad ng mga Sektor at Taong-Simbahan (DPSTS) sa Prelatura ng Infanta ng mas aktibong pakikilahok ng mga mananampalataya at mamamayan sa pagsusulong ng katarungan, dignidad ng tao at kapakanan ng mga maralita.

Ito ang binigyang-diin sa pahayag-panindigan ng mga kinatawan ng kaparian, relihiyoso, relihiyosa, lider-layko, mga institusyon at batayang sektor sa lalawigan, matapos ang kanilang taunang pagtitipon noong August 20 hanggang 22 sa Parokya ni Nuestra Señora de Salvacion sa Barangay Bianoan, Casiguran, Aurora sa pangunguna ni Infanta Bishop Dave Dean Capucao.

“Naniniwala kami na ang tunay na pagsamba sa Diyos ay hindi maaaring ihiwalay sa pagtataguyod ng katarungan. Ang pananampalataya ay dapat makita sa pakikilahok sa buhay ng pamayanan at sa pagkilos para sa kapakanan ng mga higit na nangangailangan,” ayon sa pahayag.

Tinuran ng DPSTS na patuloy na nararanasan ng mamamayan ang paglala ng kahirapan bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis, pangunahing bilihin, kuryente, at pamasahe; mababang halaga ng mga produktong agrikultural; kawalan ng trabaho; mababang sahod; at kawalan ng seguridad sa trabaho.

Binigyang-pansin din ng grupo ang lumiliit na ani ng mga magsasaka dahil sa matinding tagtuyot at sa epekto ng pagbabago ng klima.

Pinuna rin nito ang mga suliraning dulot ng ekonomiyang nakasandig sa pag-export at pag-import, pati ang mga polisiya na naglalayong makahikayat ng dayuhang pamumuhunan, kabilang ang Pax Silica.

Iginiit ng DPSTS na lalo nang mabigat ang dinaranas ng mga mahihirap, partikular na ng mga magsasaka, mangingisda at katutubo, na umaasa sa kalikasan para sa kanilang kabuhayan.

Sa usaping pampulitika, kinondena ng DPSTS ang patuloy na kawalang-katarungan, korapsyon, palakasan, political dynasties at pagbili ng boto na, ayon sa grupo, ay maaaring maisagawa sa anyo ng ayuda system.

“Habang lalong yumayaman ang iilan, lalong naghihirap ang nakararami,” pahayag ng grupo, na binigyang-diin ding “ang hindi pagkakapantay-pantay ang ugat ng mga suliraning panlipunan.”

Ayon sa pahayag, dapat tumugon ang Simbahan bilang isang “field hospital” na malapit sa kalagayan ng mamamayan, nakikinig sa kanilang mga hinaing at nagsisilbing tinig ng mga dukha at walang tinig.

“Ang tunay na pagsamba sa Diyos ay hindi maaaring ihiwalay sa pagtataguyod ng katarungan,” giit ng DPSTS.

Naninindigan ang grupo na palalakasin nito ang pagtataguyod ng dignidad ng bawat tao, katarungang panlipunan, kaunlaran para sa lahat, pakikiisa sa mahihirap at nasa laylayan, at pangangalaga sa kalikasan.

Binigyang-diin din ng DPSTS na ang pananampalataya ay dapat makita sa kongkretong pakikilahok sa buhay ng pamayanan at sa pagkilos para sa mga higit na nangangailangan.

Nanawagan ang grupo sa lahat na magkaisa sa pagtataguyod ng isang lipunang may dignidad, katarungan, pagkakapantay-pantay at malasakit sa kapwa at sa kalikasan.

“Sama-sama tayong maglakbay, magsuri, at kumilos tungo sa iisang misyon—isang lipunang may dignidad, katarungan, pagkakapantay-pantay, malasakit sa kalikasan, at tunay na kapakanan ng lahat,” apela ng DPSTS.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,815 total reads

 15,815 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,916 total reads

 52,916 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,186 total reads

 279,186 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,653 total reads

 172,653 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,891 total reads

 265,891 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top