Vatican II, kailangan pang patuloy na unawain ng Simbahang katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,153 total reads

Inihayag ni Nueva Segovia Archbishop David William Antonio na hindi pa nalalampasan ng Simbahang Katolika ang Vatican II; sa halip ay kailangan pa itong patuloy na unawain.

Sa kanyang keynote address sa ika-40 National Meeting of Diocesan Directors of Liturgy (NMDDL), sinabi ng chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy na ang liturgical renewal ay hindi isang natapos na programa kundi patuloy na pananagutan ng buong Simbahan.

“The truth is: The Church has not moved beyond Vatican II. We must continue learning what Vatican II means if we are to become the Church we are called to be,” pahayag ni Archbishop Antonio.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang reporma sa liturhiya ay hindi lamang nakasentro sa usapin ng wikang ginagamit sa Misa, sa pagharap ng pari sa sambayanan, o sa pagbabago sa mga ritwal, kundi dapat ding nakatuon kay Kristo.

“The issue is not just about making the Mass and the other liturgical celebrations more interesting. It is about how the Church can become more fully what she is through the celebration of the Paschal Mystery,” ani Archbishop Antonio.

Ayon sa kanya, ang pananaw ng Vatican II sa liturhiya ay higit na malawak kaysa sa seremonya lamang sapagkat ito ay nababatay din sa teolohikal, eklesyolohikal, pastoral, kateketikal, kultural, at misyonerong mga aspeto.

Nagbabala rin si Archbishop Antonio laban sa pagsukat sa tagumpay ng gawaing pastoral batay lamang sa dami ng nagsisimba, tumatanggap ng Komunyon, o nakikilahok sa prusisyon.

“Attendance must lead to genuine participation and participation in liturgy must translate into a way of Christian existence,” giit ng arsobispo.

Aniya, ang pagiging maraming lingkod sa parokya ay hindi tunay na sukatan at hindi nangangahulugan ng tunay na pakikibahagi ng sambayanan.

Nanawagan din ang arsobispo ng mas malalim na pagbubuklod ng tradisyon, kagandahan, katahimikan, paggalang at aktibong pakikilahok sa pagdiriwang ng liturhiya.

Binigyang-diin ni Archbishop Antonio na ang kagandahan at pakikibahagi sa liturhiya ay hindi magkakatunggali, kasabay ng babala na ang pag-aakalang mabuti ang liturhiya kapag ang lahat ay abala sa isang gawain at ang paniniwalang mabuti lamang ito kapag ang lahat ay nakabatay sa sinauna at hiwaga.

Sa usapin ng pagbabalik sa mga lumang anyo ng pagsamba, mariing ipinaliwanag ng arsobispo na ang tradisyon ay dapat maibalik sa paraan ng kasaysayan at hindi romantically.

“The task before us is not to return nostalgically to 1962. Nor is it to abandon tradition in the name of relevance,” paliwanag ni Archbishop Antonio.

Batid ni Archbishop Antonio na ang hamon sa Simbahan ay pagsasabayin ang tradisyon at lehitimong pag-unlad, ang pagiging Katoliko at pagkakaibang pangkultura, gayundin ang paggalang at pakikilahok sa liturhiya.

Hinikayat ng arsobispo ang mga tagapangasiwa ng liturhiya na paunlarin ang lehitimong inculturation, kung saan naipapahayag ang pananampalataya sa pamamagitan ng wika, musika, sining, at mga karanasan ng iba’t ibang pamayanang Filipino.

Inanyayahan ng arsobispo ang mga tagapangasiwa ng liturhiya na huwag lamang pagtuunan ang mga panlabas na anyo ng pagdiriwang, kundi suriin kung anong uri ng Simbahan ang ipinamamalas sa kanilang mga pagsamba.

“What kind of Church is your liturgy revealing?” tanong ni Archbishop Antonio. “Is it a Church of spectators or of conscious and active participants?”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 68,167 total reads

 68,167 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 105,539 total reads

 105,539 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 136,802 total reads

 136,802 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 209,578 total reads

 209,578 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 300,462 total reads

 300,462 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 36,945 total reads

 36,945 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top