Pagsira sa kabundukan, may direktang epekto sa pamayanang nasa ibaba-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,407 total reads

Inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na hindi na lamang usapin ng hinaharap ang epekto ng climate change kasunod ng trahedyang dulot ng pagguho ng glacier sa Nepal.

“Climate change is no longer something we can speak about merely in the future tense,” ayon sa pahauag ni Cardinal David.

Tinukoy ng kardinal ang sakuna sa Himalayan region, malapit sa hangganan ng Nepal at Tibet, kung saan malaking bahagi ng glacier ang bumagsak sa lambak at nagdulot ng pagragasa ng tubig, putik, bato at iba pang debris.

Ayon kay Cardinal David, ang sakuna ay paalala na ang mga pangyayari sa kabundukan ay may direktang epekto sa mga pamayanang nasa ibaba.

“What happens high above us does not remain there. When mountains of ancient ice collapse, whole communities thousands of meters below can be swept away within minutes,” ayon sa kardinal.

Inihambing ng kardinal ang pangyayari sa Nepal sa karanasan ng mga Kapampangan sa pagragasa ng lahar mula sa Mount Pinatubo matapos ang pagputok nito noong 1991.

“People described it as a herd of rampaging bulls coming down from the mountain. We know what it is like to watch a mountain come down as a river,” ayon pa kay Cardinal David.

Hinimok ni Cardinal David ang mga mananampalataya na ipanalangin ang Nepal, lalo na ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mga nasugatan, nawawala at lumikas dahil sa trahedya.

Binigyang-diin din ng kardinal ang pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga sa kalikasan.

“What we do to our common home, we ultimately do to ourselves,” ani Cardinal David.

Sa pinakahuling tala, umabot na sa 350 ang nasawi sa insidente, habang patuloy ang search and rescue operations para sa 1,400 nawawala kabilang ang isang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,658 total reads

 15,658 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,772 total reads

 52,772 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,042 total reads

 279,042 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,509 total reads

 172,509 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,755 total reads

 265,755 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top