Ordinaryong Pilipino na tumutulong sa kapwa, kinilala ng mga opisyal ng simbahan na bagong bayani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,308 total reads

Kinilala ng mga Pastol ng Simbahan ang mga bayani ng bansa, gayundin ang mga ordinaryong Pilipinong patuloy na naglilingkod at tumutulong sa kapwa, bilang mga ehemplo ng kabayanihan ngayong National Heroes Day.

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino na tularan ang kabayanihan ng mga bayani ng bansa sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti, pagmamahal sa bayan at malasakit sa mga nangangailangan.

Hiniling ni Bishop Pabillo sa mga Pilipino na magpasalamat sa Diyos para sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay at naglingkod para sa kapakanan ng bansa, at gawing inspirasyon ang kanilang kabayanihan upang manatiling matatag sa paggawa ng kabutihan.

Binigyang-diin din ng obispo na hindi lamang dapat alalahanin ang mga bayani ng nakaraan, kundi isabuhay din ang diwa ng kabayanihan sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa at pagsusulong ng kabutihan ng buong bayan.

“Ngayon din ay ang National Heroes Day, kaya ipagdasal ipagpapasalamat tayo sa Diyos sa mga bayani ng ating bayan. At sana ang mga kabayanihan nila ay mag-udyok din sa atin na maging matatag sa paggawa ng kabutihan at magkaroon ng pagmamahal sa bayan, dahil dapat nating isipin hindi lang ang kabutihan ng pangkalahatan at isisikapin natin na makatulong sa namang paraan sa ating mga kapatid na nangailangan sa ating bayan. Ito ay hinihiling namin sa ngalan ni Kristo aming Panginoon. Amen,” ayon as panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Tinawag naman ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual ang mga volunteers na tumutulong sa mahihirap at humaharap sa iba’t ibang kalamidad bilang mga bagong bayani ng bayan.

Ayon kay Father Pascual, kabilang sa mga bagong bayani ang mga patuloy na naglilingkod sa mga biktima ng kalamidad, kabilang ang halos 5,000 volunteers ng Caritas Manila mula sa iba’t ibang parokya sa Archdiocese of Manila at iba pang katuwang na diyosesis.

Hinimok niya ang mga mananampalataya na isabuhay ang diwa ng volunteerism sa kanilang mga parokya at barangay upang makatulong sa mga kababayang mahihirap na madalas na naaapektuhan ng mga kalamidad, gawa man ng tao o ng kalikasan.

Sa huli, ayon pa kay Father Pascual na ang pagiging bayani ay maaaring isabuhay sa pamamagitan ng paglilingkod at pagtulong sa kapwa, kasabay ng panawagan na maging banal sa araw-araw.

“Mayroon din tayong mga bagong bayani? Ngaun po, ‘yun pong mga humaharap sa mga iba’t-ibang mga disaster at gawain ng pagtulong sa mahirap, andiyan po ‘yung mga volunteers natin. Sa Caritas Manila, halos 5,000 ang ating volunteers na siyang nag-i-implementa ng mga programa sa mahirap, ng matulungan ang mahirap. Kaya’t ipagdasal po natin ang kahalagahan ng volunteerism at kayo pong mga kapanalig ‘no, nawa’y mag-volunteer din tayo sa ating parokya, sa ating barangay at matulungan natin ang ating mga kababayang mahirap na palaging biktima ng anumang kalamidad, gawa man ng tao o gawa ng kalikasan. Maging bayani po tayo at banal sabi nga ni Archbishop Soc Villegas. Amen,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Pascual.

Ngayong taon, itinalaga ng Pamahalaan ng Pilipinas ang pagdiriwan ng National Heroes Day sa temang ‘Diwa ng Kabayanihan, Lakas ng Sambayanan’ na layuning kilalanin ang kabayanihan ng mga Pilipino hindi lubhang kilala o tanyag, nagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas at isinusulong ang pagkakaisa tungo sa nag-iisang hangarin ng pag-unlad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,583 total reads

 68,583 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 104,092 total reads

 104,092 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 139,392 total reads

 139,392 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,662 total reads

 365,662 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 255,206 total reads

 255,206 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top