“A bishop’s life is meant to be dangerous every day.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,032 total reads

Ito ang binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kanyang ika-25 episcopal anniversary sa misang ginanap sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, habang inaalala ang iba’t ibang hamon na kanyang hinarap, kabilang ang mga death threat at maling paratang na kanyang natanggap dahil sa kanyang paglilingkod bilang obispo.

“Here, I ate death threats for dinner just a few years ago. Here, I was falsely accused of inciting sedition. Can a bishop’s life be less troubled and thus smoother? It was not meant to be so,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.

Ayon sa arsobispo, ang pagiging pastol ng Simbahan ay hindi maaaring ihiwalay sa panganib, pangungutya at takot, subalit iginiit na ang mga ito ay dapat harapin nang may matatag na pananampalataya sa Diyos.

“Comfort and peace is for heaven. Here on earth, we live in trust and faith, beyond their insults and beyond my fears,” ani ng arsobispo.

Aminado ang arsobispo na, kaakibat ng kanyang pagtanggap sa misyon bilang pastol ng Lingayen-Dagupan noong 2009, hinarap niya ang takot sa pagtanggi, pangamba sa mga inaasahan ng mga tao, at kawalan ng katiyakan sa bagong lugar. Gayunman, sinabi niyang pinili niyang magmahal.

“Beyond my fears and doubts, beyond my uncertainties and ignorance of the language, I just chose to love. And love is all I have done for the priests of Lingayen-Dagupan,” saad ni Archbishop Villegas.

Binigyang-halaga ng arsobispo ang kanyang kaugnayan sa mga pari ng arkidiyosesis, na naging sentro ng kanyang bokasyon bilang obispo.

Sa mga susunod na taon ng kanyang paglilingkod, hiniling niya sa Panginoon ang pagkakataong ganap na maialay ang kanyang buhay.

“Only one thing I ask of the Lord for the years ahead: give me a chance to give you my life until the last breath,” ani ng arsobispo.

“My ambition is to be a burnt-out candle, melted down to the very last drop of wax, and completely spent, having used all its heat and light to brighten the world with the beautiful gifts God has given me.”

Samantala, sa homiliya ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr., sinabi nitong ang kapayapaang isinabuhay ni Archbishop Villegas ay hindi katahimikang umiiwas sa katotohanan at mahihirap na pag-uusap.

“Sometimes, silence is simply fear wearing a peaceful face. The quiet born from convenience or compromise is fake peace,” ani Bishop Sescon.

Binigyang-diin ng obispo na kailangan ng bansa ang mga propetang handang magsalita para sa mahihirap, katotohanan, at kabutihang panlahat, tulad ng mga halimbawa sa ministeryo ni Archbishop Villegas sa kanyang pagpapastol sa simbahan.

“We need prophets who speak when corruption becomes normal, when the vulnerable are forgotten, and when political power becomes more important than the common good,” aniya.

Si Archbishop Villegas ay inordinahang pari ng Archdiocese of Manila noong 1985 at ginampanan ang ministeryo ng pagpapari sa iba’t ibang tanggapan ng arkidiyosesis.

July 25, 2001 nang italagang katuwang na obispo ng arkidiyosesis, 2004 nang italagang obispo ng Balanga habang 2009 naman nang mailipat sa Lingayen-Dagupan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,539 total reads

 68,539 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 104,050 total reads

 104,050 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 139,350 total reads

 139,350 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,620 total reads

 365,620 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 255,165 total reads

 255,165 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top