Pagkilala sa mga guro, hindi sapat kung walang pagpapahalaga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,471 total reads

Naniniwala si Alliance of Concerned Teachers (ACT) Executive Vice President Roel Mape na hindi sapat ang simpleng pagkilala sa mga guro ngayong National Teachers Month kung hindi naman nasusundan ito ng konkretong hakbang para sa kanilang sahod, benepisyo, working conditions at seguridad sa trabaho.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Mape na sa halip na gumaan ang buhay ng mga guro, lalo pa umano itong bumibigat dahil sa dumaraming gawain na kanilang inaako sa loob at labas ng paaralan.

“Ang teachers, pag-uwi po ‘yan ng mga trabaho galing school, nag-aasikaso pa po ‘yan ng pamilya kaya po mas pagod na pagod na pagod po ang mga guro sa sektor ng edukasyon.” Bahagi ng pahayag ni Mape sa Radyo Veritas.

Ayon kay Mape, ang pinakamakabuluhang paraan ng pagdiriwang ng National Teachers Month ay ang tunay na pagpapahalaga sa mga guro bilang mga katuwang ng mga magulang sa paghubog sa kabataan.

Kabilang dito, aniya, ang pagsusulong ng disente at nakabubuhay na sahod, sapat na benepisyo, makataong kalagayan sa trabaho, job security, karapatan sa pag-uunyon at academic freedom.

Pagbabahagi pa ni Mape, kabilang sa mga pangunahing panawagan ng ACT ang pagtataas ng entry-level salary ng mga guro sa P50,000, gayundin ang pagtaas ng Personnel Economic Relief Allowance kung saan sa kasalukuyan, ang entry-level salary ng public school teachers ay nasa Salary Grade 11.

Ayon kay Mape, hindi pa rin nararamdaman ng mga guro ang inaasahang pagluwag sa kanilang kalagayan dahil patuloy ang pagdami ng kanilang trabaho.

“Wala pong pagluwag sa buhay ng guro kundi ang paghigpit, dahil padami nang padami, palaki nang palaki at padami nang padami ang trabaho ng guro.” Dagdag pa ni Mape.

Bukod sa sahod, isa rin sa binibigyang-diin ng ACT ang pangangailangan ng mas maraming guidance associates at guidance counselors sa mga pampublikong paaralan upang matugunan ang bullying, violence, anxiety at iba pang mental-health concerns ng mga mag-aaral.

Aniya, bagama’t may mga hakbang na para dagdagan ang guidance personnel, hindi pa rin sapat ang bilang nito kumpara sa pangangailangan ng mga pampublikong paaralan.

Paliwanag pa ni Mape, hindi sapat na iasa sa mga guro ang pagtugon sa ganitong mga sitwasyon dahil hindi naman sila mga eksperto sa mental-health intervention.

“Maliban sa anim na oras na tuloy-tuloy na pagtuturo, kapag may mga ganitong pangyayari, hindi namin naa-address ‘yung mga violence, mental health problems ng mga kabataan natin.” Ayon pa kay Mape.

Ibinahagi rin ni Mape ang kanyang pananaw sa pagbabago ng environment sa loob ng mga paaralan at ang umano’y pagkawala ng ilang visual reminders na dating nagsisilbing paalala sa mga mag-aaral tungkol sa values at mabuting asal.

Bahagi rin ng pagsusuri ni Mape ang posibleng epekto ng naging hakbang na ito sa pag-igting ng violence at bullying sa paaralan.

Ayon kay Mape, mahalagang magkaroon muli ng mga konkretong paraan upang mapalakas ang values formation at paggalang sa kapwa sa loob ng paaralan.

“Ngayon ganito po ang nangyari sa loob ng paaralan. Wala na pong takot ang mga kabataan na gumawa ng karahasan, pambu-bully, pambabastos. Malamang ito na po ‘yung epekto ng mga pinatatanggal na visual na nakikita sa loob ng classroom noon. Maalala natin ‘no, pagpasok sa school noon, may rosary pang nakasabit, may crucifix. Alam mong matatakot ang bata dahil may Panginoon na nakatingin sa kanila. Pero ngayon po, pagpasok, wala na silang nakikita. At malamang ito po ang nagiging epekto ng violence sa loob ng paaralan.” Ani Mape. Gayunman, ang pahayag na ito ay bahagi ng kanyang sariling pagsusuri sa mga dahilan ng para kay Mape, kailangang sabayan ang pagtugon sa karahasan ng mas malawak na suporta sa mental health, values formation at ligtas na school environment.

Sa huli, nanindigan ang ACT na ang National Teachers Month ay dapat maging pagkakataon hindi lamang upang pasalamatan ang mga guro kundi upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at tugunan ang mga kondisyon na nakaaapekto sa kanilang trabaho at buhay-pamilya.

Sa bahagi ng Simbahan, ang tunay na pagpapahalaga sa mga guro ay bahagi rin ng pagpapahalaga sa dignidad ng paggawa at sa kapakanan ng kabataan sapagkat ang mga guro ay hindi lamang tagapagturo kundi katuwang ng pamilya at komunidad sa paghubog sa susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 13,471 total reads

 13,471 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 234,089 total reads

 234,089 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 268,762 total reads

 268,762 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 284,662 total reads

 284,662 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 320,219 total reads

 320,219 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 49,820 total reads

 49,820 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top