Prosekusyon, naniniwalang napatunayan na sa impeachment case ang alegasyon kay VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,239 total reads

Naniniwala ang House Prosecution panel na mapatutunayan ang mga alegasyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, anuman ang maging desisyon ng Senado sa bilang ng mga boto na kailangan para sa conviction.

Ito ang iginiit ni House Prosecutor at Akbayan Partylist Rep. Manuel Diokno sa oral arguments sa impeachment court kaugnay ng usapin sa voting threshold.

Ayon kay Diokno, hindi nakadepende sa bilang ng boto ang lakas ng ebidensyang ilalatag ng prosekusyon, anuman ang maging pasya ng impeachment court, mananatili ang kanilang tungkuling ilahad ang ebidensya at patunayan ang mga nakasaad sa Articles of Impeachment.

“The Prosecution is confident in its case. The Prosecution has been ready to prove its case. And the Prosecution trusts the independent judgment of this honorable Court,” ayon kay Diokno.

Dagdag pa ng mambabatas, “And whatever the threshold is, however this Court decides the issue before it today, the Prosecution will do its job.”

Kabilang sa tinalakay ang interpretasyon sa probisyon ng Konstitusyon na nangangailangan ng two-thirds vote para sa conviction, partikular kung ilan ang dapat isama sa kabuuang bilang ng mga senador na pagbabatayan ng two-thirds.

Sinabi ni Diokno na magkakaiba man ang naging paliwanag ng apat na amici curiae, hindi ito nangangahulugan na awtomatikong 16 na boto ang kinakailangan sa lahat ng pagkakataon.

Iginiit din ng mambabatas na ang pagtukoy sa tamang bilang ng mga senador na kabilang sa denominator ay hindi nangangahulugang binabago ang requirement na two-thirds.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 15,145 total reads

 15,145 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 48,479 total reads

 48,479 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 80,625 total reads

 80,625 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 146,681 total reads

 146,681 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 165,048 total reads

 165,048 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top