Deboto ng Saint Padre Pio, hinimok ni Cardinal David na maging daluyan ng awa sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,587 total reads

Hinimok ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga deboto at peregrino ng bagong idineklarang International Shrine of Saint Padre Pio na huwag lamang manatili sa pagtanggap ng awa ng Diyos, kundi maging mga instrumento rin ng awa para sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa maringal na deklarasyon ng dambana bilang international shrine sa Santo Tomas, Batangas nitong September 23, sinabi ni Cardinal David na ang bagong pagkilala ng Vatican ay dapat magbukas ng mas malawak na misyon ng panalangin, pakikipagkasundo at malasakit sa mga nagdurusa.

“May every pilgrim who comes here seeking God’s mercy return home ready to become an instrument of that same mercy for others,” ayon kay Cardinal David.

Sinabi ng kardinal, na siya ring vice president ng Federation of Asian Bishops’ Conferences, na hindi sapat na kilalanin ang dambana bilang pandaigdigang sentro ng debosyon kay San Padre Pio, kundi bilang lugar kung saan ang mga deboto ay hinuhubog upang ipagpatuloy sa kanilang sariling mga komunidad ang misyon ng awa.

Iginiit ng kardinal na ang pagtaas ng antas ng dambana bilang international shrine ay nangangahulugang higit pa sa pagdami ng mga peregrino mula sa iba’t ibang bansa.

“It means that those who come here as pilgrims are invited to embrace the spirituality of Padre Pio: a spirituality of prayer, intercession, reconciliation, and compassion for the suffering,” giit ni Cardinal David.

Binigyang-diin ni Cardinal David na makikita sa buhay ni Padre Pio ang konkretong pagsasabuhay ng awa, mula sa kanyang matagal na paglilingkod sa kumpisalan hanggang sa pagtatatag ng Casa Sollievo della Sofferenza o Home for the Relief of Suffering sa San Giovanni Rotondo.

“Prayer and compassion must go together. Our love for God must become concrete in our love for suffering human beings,” aniya.

Sinabi ng kardinal na hindi sapat ang pananalangin lamang kung nangangailangan din ang tao ng konkretong tulong.

“We cannot simply tell a sick person to pray when that person also needs a doctor. We cannot simply tell a hungry person to have faith when that person also needs food,” ayon pa kay Cardinal David.

Iminungkahi rin ni Cardinal David na maaaring palawakin pa ng international shrine ang mga serbisyong pastoral nito, kabilang ang mga programa para sa mga dumaranas ng suliranin sa mental health, katuwang ang mga trained counselors at professionals.

Aniya, maaari ring pag-aralan sa hinaharap ang pagtatatag ng ospital o medical center na inspirasyon ang Casa Sollievo della Sofferenza ni Padre Pio, partikular para sa mahihirap na walang kakayahang makakuha ng sapat na serbisyong pangkalusugan.

Hiniling ni Cardinal David na makilala ang International Shrine of Saint Padre Pio hindi lamang dahil sa mga natatanging biyayang natatanggap ng mga deboto sa pamamagitan ng santo, kundi dahil sa mga “ordinaryong himala ng awa” na nagaganap dito araw-araw tulad ng mga makasalanang nakikipagkasundo sa Diyos, mga maysakit na inaalagaan, mga nag-iisa na sinasamahan, mga dukhang pinahahalagahan at pagbibigay pag-asa sa mga nawawalan ng pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,333 total reads

 34,333 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 84,949 total reads

 84,949 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,820 total reads

 132,820 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,768 total reads

 236,768 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,118 total reads

 321,118 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top