VP Sara at asawa, may 51-baril

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,483 total reads

Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Ito ang naging tampok sa Day 30 ng impeachment trial ni Vice President Duterte.

Ayon sa testigong si PMaj. Joericson Sanggalang ng PNP Firearms and Explosives Office, ang mga baril ay nagkakahalaga ng higit sa pitong milyong piso base na rin sa market value survey.

Si VP Duterte ay may 22, kabilang ang 14 ng pistol, 2 revolver, limang rifle at isang shotgun.

Habang si Atty. Carpio ay may 29 na baril. Kasama na rito ang 16 na pistol, 2 revolver, 10 rifle, at isang baril na expired ang lisensya.

Ayon pa sa testigong si PMaj. Sanggalang sa 15 riple, kabilang din sa pag-aari ng mag-asawa ang class A light weapon na may fully automatic functions- karaniwang ginagamit ng mga pulis.

“Ibig sabihin po nito, ’pag kinalabit po natin iyong gatilyo, sunud-sunod na po iyong puputok,” ayon kay Sanggalang.

Kinumpirma rin ni Sangalang sa korte na ang Type 5 license sa pag-aari ng baril ay walang limit ang bilang hangga’t legal ang mga baril at maayos na nakarehistro.

“Yes po. Hangga’t hindi po siya pumapasok sa Class A light weapons, ay maaari po silang magkaroon basta po LTOPF Type 5 po sila. Wala pong limitation as long as naka-register po ito palagi,” ayon sa opisyal sa pagtatanong ni Senator-Judge Raffy Tulfo.

Nanawagan din si Senator Tulfo ng mas malinaw na deklarasyon ng mga baril sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng mga opisyal ng pamahalaan.

Iminungkahi din ni Tulfo na isa-isang ilista ang mga baril sa SALN sa halip na isama lamang ang mga ito sa pangkalahatang kategorya ng personal na ari-arian.

Samantala, inaasahan bukas araw ng Martes at sa Miyerkules (SEpt 29 at 30) ay haharap sa Senate Impeachment Court si Davao City Mayor Sebastian Duterte bilang testigo sa impeachment trial ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Ito ay makaraang aprubahan ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero ang kahilingan ni Mayor Duterte na bigyan siya ng karagdagang panahon upang tipunin, ayusin at ihanda ang mga dokumentong saklaw ng subpoena.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 88,750 total reads

 88,750 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 174,160 total reads

 174,160 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 238,001 total reads

 238,001 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 319,239 total reads

 319,239 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 398,103 total reads

 398,103 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top