Pagtanggi ng Senate impeachment court sa request for admission ng prosecution, hindi hadlang sa kaso laban kay VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,348 total reads

Hindi nakikitang hadlang ng House prosecution sa kanilang kaso laban kay Vice President Sara Duterte ang naging desisyon ng Senate impeachment court kaugnay ng kanyang mga bank at financial records.

Ayon kay House prosecutor at San Juan City Representative Ysabel Maria Zamora, magpapatuloy ang kanilang plano sa paglilitis kahit hindi pinagbigyan ng impeachment court ang kanilang ‘Request for Admission.’

“This is not a setback, I think. You know, even if the ruling was adverse to the prosecution, I think we will still continue with the strategy, the plan of the prosecution,” ayon kay Zamora.

Saklaw ng naturang kahilingan ang 104-items, kabilang ang pagiging ‘authentic’ ng mga bank records na dinala sa korte at pagmamay-ari ng mga account na nakasaad dito.

Sa desisyon ni Senate President at Presiding Officer Francis Escudero, hindi maaaring pilitin ang bise presidente na sagutin o akuin ang mga ito dahil sa kanyang karapatang konstitusyonal laban sa self-incrimination.

Binigyang-diin din ng korte na ang hindi pagsagot ni Duterte ay hindi maaaring ituring na pag-amin at hindi maaaring gamitin ang proseso upang ilipat sa bise presidente ang tungkuling patunayan ng prosecution ang mga alegasyon sa impeachment.

Gayunman, mananatili sa rekord ng kaso ang Request for Admission, kasama ang pagtutol ng depensa at desisyon ng korte, ngunit hindi ito maaaring gamitin bilang ebidensiya laban sa Pangalawang Pangulo.

Ayon naman kay House impeachment adviser at spokesperson Robert Barbers, hindi nito mapipigilan ang prosecution na iharap ang mga bank records bilang ebidensiya sa alegasyon ng unexplained wealth.

Nauna nang pinayagan ng impeachment court ang subpoena sa bank, tax at Anti-Money Laundering Council records matapos makita nitong may kaugnayan ang mga dokumento sa alegasyon.

“We’re glad that they’ve ruled that they will accept and admit the records as part of the evidence that the prosecution panel will deliberate on,” ayon naman kay Barbers.

Humigit-kumulang sampung bangko na rin ang nagsumite ng kanilang mga rekord.

Inatras ng prosecution nitong Lunes ang Request for Admission at sa halip ay iminungkahi ang pagkakaroon ng ‘stipulation’ sa depensa para mapabilis ang paglalahad ng ebidensiya.

Kung hindi mapagkasunduan, posibleng isa-isang ipatawag ng prosecution ang mga kinatawan ng mga bangko upang kilalanin at patotohanan ang mga isinumiteng rekord.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,776 total reads

 4,776 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,920 total reads

 28,920 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,480 total reads

 69,480 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,024 total reads

 96,024 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 144,290 total reads

 144,290 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 165,056 total reads

 165,056 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 24,131 total reads

 24,131 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top