CADP, nanawagan ng hustisyang nakapaghihilom sa halip na parusang kamatayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,461 total reads

Nanawagan ang Coalition Against Death Penalty (CADP) ng katarungang nakapaghihilom sa halip na hustisyang kumikitil ng buhay.

Ito ang bahagi ng panawagan ng Coalition Against the Death Penalty President Comm. Karen S. Gomez-Dumpit sa paggunita sa World Day Against the Death Penalty nitong October 10, 2026 kasabay ng pagdiriwang sa kalayaan ni Mary Jane Veloso matapos ang mahigit 14 na taon sa death row sa Indonesia.

Para sa CADP, ang paggawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng absolute pardon kay Veloso noong Setyembre 25, 2026 ay sumasalamin sa tema ng 24th World Day Against the Death Penalty ngayong taon na “Stories for Life,” na nagbibigay-diin sa mga buhay at kuwento ng mga taong apektado ng death penalty.

“Mary Jane’s story for life is a cause for celebration and reflection. It shows that justice can heal when governments, advocates, and communities work together.” Bahagi ng pahayag ng CADP.

Kinilala rin ng CADP ang mga naging bahagi ng mahabang kampanya para kay Veloso, kabilang ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at Migrante, at binigyang-diin ang pangangailangang protektahan ang mga migranteng manggagawa at mga nakaligtas sa human trafficking.

“It calls on all to protect migrant workers and trafficking survivors and recognize them as victims, not criminals.” Dagdag pa ng CADP.

Bagama’t ipinagdiriwang ng grupo ang kalayaan ni Veloso, binigyang-diin nitong hindi pa nagtatapos ang laban para sa abolition ng death penalty.

“While today is a time to be thankful, CADP stresses that the fight continues for others still on death row.” Ayon sa CADP.

Ayon sa CADP, dapat gamitin ang mga aral mula sa kaso ni Veloso upang ipagpatuloy ang pagkilos hanggang sa wala nang buhay na malagay sa panganib ng execution.

“We move forward with the lessons from Mary Jane’s case, working together until no life is left at risk of execution.” Paliwanag ng CADP.

Nanawagan din ang grupo sa mga lider ng pamahalaan at komunidad na ipagpatuloy ang pagsusulong ng abolition ng death penalty at tiyaking hindi mawawala sa sentro ang dignidad at karapatan sa buhay ng bawat tao.

“Mary Jane Veloso’s freedom is more than a personal victory — it is a clarion call. Let us amplify stories for life that affirm dignity, resilience, and the right to life.” Dagdag pa ng CADP.

Sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty ngayong taon, muli ring iginiit ni Pope Leo XIV na hindi kailangan ang death penalty upang mapangalagaan ang common good at maisakatuparan ang katarungan, sapagkat ang parusang kamatayan ay sadyang hindi katanggap-tanggap dahil ito ay isang pag-atake sa di-malalabag na karapatan at dignidad ng isang indibidwal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 109,453 total reads

 109,453 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 203,480 total reads

 203,480 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 247,749 total reads

 247,749 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 270,857 total reads

 270,857 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 340,924 total reads

 340,924 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top