Deboto ng birheng Maria, hinimok na isabuhay ang debosyon sa pagbabagong loob at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,499 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga deboto ng Mahal na Birheng Maria na isabuhay ang kanilang debosyon sa pamamagitan ng tunay na pagbabagong-loob at paglilingkod sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap.

Sa kanyang homiliya sa kapistahan ng Our Lady of Fatima sa replika ng Capelinha de Fatima sa San Remigio, Cebu nitong October 13, binigyang-diin ng arsobispo na hindi sapat ang pagdarasal ng Santo Rosaryo, pagdalo sa nobena at prusisyon, at pagsasagawa ng mga pilgrimage kung hindi nagbubunga ang mga ito ng pagbabago sa buhay.

“Mary does not want devotees who simply admire her. She desires disciples who imitate her,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin din ng pastol na dapat humantong sa kongkretong pagkilos ang pananalangin, partikular sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“Prayer should eventually move our feet. The Rosary in our hands should open those same hands to the poor,” ani ng arsobispo.

Ayon sa arsobispo, dapat makita sa debosyon ng mga mananampalataya ang malasakit sa mga nagdadalamhati, pagdalaw sa mga maysakit, pagpapatawad sa mga nakasakit sa kanila, pakikinig sa mga nalulungkot, at pagtulong sa mga pamilyang nahihirapan sa buhay.

Paliwanag ni Archbishop Uy na ang tunay na debosyon kay Maria ay dapat humantong sa mas malalim na pagkilala at pagsunod kay Hesukristo.

“A true Marian devotee should eventually be recognizable not simply by the Rosary in his or her hand, but by Christ visible in his or her life,” giit pa ng arsobispo.

Samantala, iniugnay ng arsobispo ang mensahe ng Mahal na Birhen sa Fatima —na manalangin, magsisi, at manumbalik sa Diyos —sa mga patuloy na suliraning kinakaharap ng daigdig, kabilang ang galit, pagkakawatak-watak, karahasan, at kasalanan.

“The deepest problems of our world begin in the human heart. And therefore, the healing of our world must also begin there,” ayon kay Archbihsop Uy.

Hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na hayaang baguhin ng Diyos ang kanilang puso, ilapit sila ng Birheng Maria kay Hesus, at turuang magmahal at maglingkod sa kapwa.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang pinakamahalagang handog sa Mahal na Birhen ay hindi lamang mga bulaklak at panlabas na pagpapakita ng debosyon, kundi isang pusong nagbalik-loob sa Diyos, isang buhay na nakasentro kay Kristo, at mga kamay na nakahandang maglingkod at kumalinga sa mga higit nangangailangan at mahihinang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 11,867 total reads

 11,867 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 51,283 total reads

 51,283 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 86,583 total reads

 86,583 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 312,852 total reads

 312,852 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 205,521 total reads

 205,521 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top