Gawing inspirasyon ang buhay ng nga Santo, panawagan ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,302 total reads

Hinimok ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang mananampalataya na gawing inspirasyon ang buhay ng mga Santo sa pagsasabuhay ng kabanalan at pagpapaigting ng panalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay ngayong All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay Bishop Presto,Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis (ECEC) and Member ng Episcopal Commission on Catholic Education (ECCE) , mahalagang tularan ang mga banal na nagpakita ng pananampalataya, paglilingkod at malasakit sa mga mahihirap, maysakit, bilanggo at mga nangangailangan.

“Sa pagdiriwang natin ng All Saints’ Day ay pinagninilayan natin ang buhay ng mga santo at santa, kung saan ay makakakuha tayo ng inspirasyon upang mamuhay ayon sa kabanalan. Kabilang sa kanila ang mga martir na nag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa pananampalataya. Mayroon ding mga santo na nagpakita ng kabutihan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mahihirap, maysakit, bilanggo, mga bata at kabataang nangangailangan. Sikapin din nating tularan ang kanilang magagandang halimbawa at isabuhay ang mga pagpapahalagang Kristiyano,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng Obispo na higit sa pagdadala ng bulaklak at pagsisindi ng kandila sa mga puntod, mas mahalagang ipagdasal ang mga kaluluwa ng mga pumanaw.

Hinikayat ng Obispo ang mga Pilipino na panatilihing malinis ang mga sementeryo at gawing pagkakataon ang pagdalaw upang manalangin at magnilay.

Hindi rin kailangang sa mismong araw ng All Saints at All Souls Day lamang bumisiya bumisita sa mga libingan dahil maaari itong gawin sa ibang araw at isang tradisyon na mapapatibay ang samahan ng mga pamilya o kaibigan. .

“Sa November 2 naman ay ang pagdiriwang natin ng All Souls’ Day kung saan ay ating inaalala ang mga yumao nating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagdalaw natin sa kani-kanilang mga libingan at pagdarasal para sa kanila. Hindi sapat na tayo ay nagdadala ng flowers at nagtitirik ng kandila sa kanilang puntod. Ang mas mahalaga ay ang ating dasal para sa kanila. Kung hindi man tayo makapunta sa sementeryo sa November 1 or 2, ay mayroon pa ring ilang araw na puwede tayong makadalaw “ bahagi pa ng mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 110,924 total reads

 110,924 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 145,463 total reads

 145,463 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 179,596 total reads

 179,596 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 236,000 total reads

 236,000 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top