Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,581 total reads

Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar!

May epekto sa halaga ng piso ang mga pangyayari sa ibang parte ng mundo, partikular ang digmaan sa Middle East. Iniuugnay ng mga ekonomista ang paghina ng piso sa pagtaas ng presyo ng langis dahil sa digmaan. 

Ramdam ng karaniwang tao ang epekto ng mahinang piso sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin. Dahil nag-i-import ng enerhiya ang Pilipinas, mas maraming dolyar ang kailangan para bayaran ang mga ito. Kapag mahal ang langis at iba pang ginagamit sa paglikha ng kuryente bunsod ng mahinang piso, tataas din ang presyo ng kuryenteng kinokonsumo natin. Damay din dito ang sektor ng pampublikong transportasyon na labis pa ring nakasalalay sa gasolina at diesel. Malamang na humirit ulit ng taas-pamasahe ang mga tsuper.

Apektado rin ang presyo ng mga lokal na produktong agrikultural. Dahil mas mahal ang pagkain at krudong ginagamit sa pag-aalaga ng mga hayop, tumataas din ang gastos sa pagpapalaki ng baboy at manok, na maaaring magpamahal sa karne. Ganoon din sa bigas at gulay dahil mas mahal ang pataba at krudong kailangan ng mga magsasaka sa pagtatanim, pag-aani, at pagdadala ng mga produkto sa pamilihan

Mas malaki na rin ang kailangang ilabas na pera ng gobyerno para mabayaran ang mga utang nito sa ibang bansa. Dahil nakatakda sa dolyar ang mga utang na ito, mas maraming piso ang kailangan para mabayaran ang parehong halaga. Dahil dito, maaaring lumiit ang pondong nakalaan para sa imprastraktura, mga serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon, at iba pang kailangan ng mga mamamayan.

Totoo, may ilang nakikinabang sa mahinang piso. Halimbawa, mas maraming piso ang natatanggap ng mga pamilyang may kamag-anak na nagpapadala ng dolyar mula sa ibang bansa. Pero nababalewala rin ito kapag tumataas ang presyo ng pagkain, upa, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa gitna nito, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos: “Do not take it with alarm. Don’t panic.”

Paano kaya sasabihin ni PBBM sa isang magsasaka na huwag mag-alala kung hindi na niya kayang maghain ng sapat na pagkain sa sariling pamilya? Paano ang mga tsuper na hirap nang magpakarga ng krudo para sa kanilang jeepney? Paano ang mga minimum wage earners at mga nasa impormal na sektor na hindi na makasabay ang sahod at kita sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin? Madaling sabihing huwag mag-panic kapag hindi mo mismo nararanasan ang maghigpit ng sinturon.

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang mahalagang papel ng Estado sa ekonomiya, kabilang ang pagpapanatili ng matatag na halaga ng salapi at maayos na serbisyong pampubliko. Itinuturo rin sa atin ng Simbahan na hindi natin maaaring ipagwalambahala ang kalagayan ng mahihirap. Sila ang higit na nahihirapan dahil hindi nakasasabay ang kanilang kita sa pagmahal ng mga bilihin at serbisyo.

Hindi lamang numero sa palitan ng pera ang halaga ng piso. May direktang epekto ito sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Habang humihina ang piso at tumataas ang presyo ng mga bilihin, lalong nahihirapan ang maraming pamilya na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Mga Kapanalig, sa gitna ng mga hamong ito, ipanalangin natin ang ating mga pinuno upang manaig ang pagpapakumbaba at malasakit sa kapwa sa bawat desisyon nila. Ipanalangin din natin ang agarang pagtatapos ng digmaan at ang pagbabalik ng kapayapaan. Paalala sa atin ng Filipos 2:3-4 na dapat tayong magpakumbaba at ituring na higit na mahalaga ang kapwa kaysa sa ating sarili. Nawa’y manaig ang ganitong diwa ng paglilingkod sa ating mga pinuno, lalo na sa mga pasyang nakaaapekto sa buhay ng bawat Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

UNDAS 2026, generally peaceful

 2,037 total reads

 2,037 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 6,828 total reads

 6,828 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 56,582 total reads

 56,582 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 215,772 total reads

 215,772 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 242,933 total reads

 242,933 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 276,952 total reads

 276,952 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Angry nerds

 6,829 total reads

 6,829 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 215,773 total reads

 215,773 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 242,934 total reads

 242,934 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 276,953 total reads

 276,953 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »
Scroll to Top