Building inspections, ipinag-utos ng Archdiocese of Manila sa mga pasilidad ng simbahan at paaralan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,157 total reads

Inatasan ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mga parokya, paaralan at iba pang pasilidad ng Simbahan na magsagawa ng inspeksiyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pari, empleyado, estudyante at mga nagsisimba.

Sa kautusang nilagdaan ni Vicar General Monsignor Reginald Malicdem, partikular na ipinasisiyasat ang mga nakasabit at nakatayong imahen, krusipiho at rebulto upang matiyak na matibay ang pagkakakabit.

Kabilang din sa dapat suriin ang mga ilaw, chandelier, speaker, bentilador at iba pang kagamitang nakasabit, gayundin ang mga kisame, dingding at iba pang bahagi ng gusali na maaaring may bitak, kalawang o sira.

Inatasan din ang mga pasilidad na tiyaking maayos ang mga kable at koneksiyon ng kuryente, walang overloaded na saksakan at ligtas ang paggamit ng mga kandila at iba pang madaling magliyab na materyales.

Kung may makitang posibleng panganib, kailangang agad na isara o harangan ang apektadong lugar at ipasuri ito sa mga kuwalipikadong eksperto. Ipinagbabawal din ang sariling pagkukumpuni kung walang sapat na kaalaman at kagamitan.

“If any item or structure appears unsafe, immediately restrict access to the affected area an arrange for inspection and necessary repairs by qualified professionals. Do not attempt repairs without the proper expertise and safety equipment,” ayon pa sa circular.

Inatasan ang mga kinauukulan na idokumento ang resulta ng inspeksiyon at isumite ang ulat sa Engineering Department ng Arkidiyosesis para sa kaukulang pagsusuri at aksiyon.

Ayon sa kautusan, layunin nitong maiwasan ang aksidente at maprotektahan ang lahat ng gumagamit ng mga pasilidad ng Simbahan.

Matatandaan noong nakaraang buwan, napaulat na nasawi si Fr. Patricio Alfredo Sánchez Molinari ng Congregation of the Most Holy Redeemer (Redemptorists), makaraan mahulog ang malaking krus sa altar sa kanyang likuran habang nagmimisa sa Our Lady of Perpetual Help Church sa Guayaquil, Ecuador.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 19,741 total reads

 19,741 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 68,278 total reads

 68,278 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 118,029 total reads

 118,029 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 277,227 total reads

 277,227 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 303,428 total reads

 303,427 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top