Pope Leo XIV: Politika, dapat magpagaling sa sugat ng lipunan at lumaban sa kawalang-katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,241 total reads

Dapat gamitin ang politika upang tugunan ang paghihirap ng mamamayan at labanan ang kawalang-katarungan, ayon kay Pope Leo XIV.

Sa kanyang General Audience sa Vatican nitong Nobyembre 4, sinabi ng Santo Papa na ang mga pinunong kumikilos para sa mga taong naghihirap at nakararanas ng kawalang-katarungan ay nagbibigay ng pag-asa sa kinabukasan ng sangkatauhan.

“Politics that tends to the wounds of peoples and of those who suffer injustice offers grounds for hope for the future of humanity,” ayon kay Pope Leo.

Sa pagpapatuloy ng kanyang pagtalakay sa dokumentong Gaudium et Spes ng Ikalawang Konsilyo Vaticano, binigyang-diin ng Santo Papa na hindi sapat ang pag-unlad ng teknolohiya kung hindi naman napapakinabangan ng tao ang pag-unlad ng ekonomiya.

Hinimok din ng pinunong pastol ang mga bansa na wakasan ang diskriminasyon laban sa mahihirap, mga mahihinang sektor at mga migrante.

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang kahalagahan ng paggawa sa ekonomiya.

“Work must never be distorted to the detriment of people, the common good or creation,” dagdag pa ng pinunong pastol.

Ayon kay Pope Leo, hindi katanggap-tanggap ang kawalan ng trabaho, pagsasamantala sa mga manggagawa at mga kondisyong naglalagay sa panganib sa kanilang kalusugan at buhay.

Dapat din aniyang magkaroon ng pagkakataon ang mga manggagawa na makilahok sa mga desisyong nakaaapekto sa kanilang trabaho, kabilang ang sa pamamagitan ng mga unyon.

Iginiit ng Santo Papa, “The political community exists for the sake of the common good.”

Dagdag pa niya, maaaring magtulungan ang Simbahan at pamahalaan para sa kapakanan ng lipunan, habang iginagalang ang kani-kanilang tungkulin at kalayaan.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang mga kabataan na tularan ang mga taong naging tapat sa paglilingkod sa lipunan, at ang mga pamayanang Kristiyano na palakasin ang pagtuturo ng panlipunang aral ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 79,580 total reads

 79,580 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 125,298 total reads

 125,298 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 175,051 total reads

 175,051 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 334,251 total reads

 334,251 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 357,776 total reads

 357,776 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top