Simbahang Katolika sa Pilipinas mayroong 7 “sede vacante”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,900 total reads

Nananatiling bakante ang pitong luklukan ng mga diyosesis at apostolic vicariate sa Pilipinas.

Batay ito sa pinakahuling tala noong Nobyembre 8, 2026, habang hinihintay ang paghirang ng Simbahan sa mga bagong pastol na mangunguna sa mga lokal na pamayanan.

Kilala sa Simbahang Katolika ang sede vacante, nagmula ang salitang ito sa salitang Latin na nangangahulugang “the seat being vacant,” ang kalagayang ito ay tumutukoy sa panahon na walang namumunong obispo ang isang diyosesis o apostolic vicariate dahil sa pagkamatay, pagbibitiw, paglilipat, o pagtanggal sa dating obispo.

Sa panahong ito, ipinagkakatiwala ang pamamahala ng lokal na Simbahan sa isang apostolic administrator o diocesan administrator upang matiyak ang pagpapatuloy ng pastoral na paglilingkod at administrasyon.

Gayunman, hindi ito nangangahulugang maaari siyang gumawa ng malalaki o pangmatagalang pagbabago sa pamamahala ng nasasakupang Simbahan.

Sa bahagi ng turo ng Simbahan ang sede vacante ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng paggabay sa buhay ng Simbahan, kundi isang panahon ng panalangin at paghihintay habang ipinagkakatiwala sa Espiritu Santo ang kinabukasan ng mga lokal na pamayanan.

Dahil dito, hinihikayat ang mga mananampalataya na ipanalangin ang karunungan at paggabay ng Espiritu Santo para sa Santo Papa at sa Dicastery for Bishops sa pagpili ng mga bagong obispo, gayundin ang mga pari at iba pang lingkod ng Simbahan na patuloy na naglilingkod sa mga komunidad na naghihintay sa kanilang bagong pastol.

Sa panahong ito ng paghihintay, nananatiling mahalaga ang pagkakaisa, panalangin at patuloy na pagsasabuhay ng pananampalataya ng bawat pamayanang Katoliko.

Kabilang sa pitong ecclesiastical jurisdictions na sede vacante sa Pilipinas, ang mga diyosesis ng Bangued, Parañaque, Masbate, Kabankalan, Ilagan at Borongan, gayundin ang Apostolic Vicariate of Jolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 25,606 total reads

 25,606 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 87,300 total reads

 87,300 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 132,998 total reads

 132,998 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 234,266 total reads

 234,266 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 302,851 total reads

 302,851 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top