Iwasan ang overcrowded na paaralan, payo ng DepED sa mga magulang.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 441 total reads

Huwag ipatala ang mga bata sa overcrowded na paaralan. Ito ang pakiusap ni Department of Education (DepED) Undersecretary for Planning and Field Operations Jesus Mateo sa mga magulang kaugnay sa nalalapit na pagbubukas ng school year 2017-2018 sa ika-4 ng Hunyo. Ipinaliwanag ni Mateo na hindi matututukan ng husto ang bawat mag-aaral kung marami silang nagsisiksikan sa loob ng isang silid-aralan.

“Ang pakiusap natin, sana nagpa-early register na sila kasi may mga paaralan na marami talagang estudyante samantalang mayroon naman na kokonti ang estudyante. Sana huwag nilang ipagsiksikan ang sarili nila doon sa mga paaralan na siksikan na talaga. Mahirap mag-aral kapag punong puno kayo,”panawagan ni Mateo.

Ayon sa DepED, ang isang silid-aralan sa Kindergarten ay dapat okupahan lamang ng 25 estudyante, 30 naman kung Grade 1 at 2 habang nasa 45 ang kapasidad ng mga silid-aralan ng Grade 3 at mas mataas na baitang. Bilang tugon sa limitadong espasyo ng mga estudyante ay kumukuha ng mas maraming guro ang kagawaran na siyang sasagot sa tumataas na bilang ng enrollees sa elementarya at sekondarya kada taon. Patuloy naman ang ginagawang paghahanda ng DepED katuwang ang Philippine National Police, Department of National Defense, Department of Public Works and Highways at iba pang ahensya ng pamahalaan upang masigurado ang kaligtasan at tagumpay ng pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

Magugunitang may pinakamalaking alokasyon sa 2017 budget ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kagawaran ng Edukasyon kung saan tumanggap ito ng P544.1 billion piso, mas mataas sa P433 billion noong nakaraang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 38,583 total reads

 38,583 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 85,666 total reads

 85,666 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 107,868 total reads

 107,868 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 144,362 total reads

 144,362 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 363,162 total reads

 363,162 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 237,978 total reads

 237,978 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 371,073 total reads

 371,073 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top