Simbahan, dapat kumilos sa “Deculturalization” ng kasal sa Pilipinas.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total views

Kailangang mas paigtingin pa ng Simbahan ang mga programa para sa mga mag-asawa upang mapangalagaan ang ‘sakramento ng kasal’.

Natitiyak ni Arcbishop Oscar Cruz, Judicial Vicar of the National Tribunal Appeals na sa pamamagitan nito ay maitataas ang pagkilala sa pinakadalisay at pinakamalalim na sakramento.

Inihayag ng arsobispo na dapat ding maidagdag sa pre-nuptial investigation ang mga sitwasyon na maaring harapin ng mag-asawa at kung ano kanilang tugon dito at hindi lamang simpleng impormasyon tungkol sa bawat isa tulad ng pangalan, edad at tirahan.

Iginiit ni Arcbishop Cruz na sa ganitong paraaan ay malalaman ng bawat isa ang kanilang tungkulin bilang mag-asawa at ang pagpapahalaga sa kasal na kanilang susuungin.

Naniniwala din si Archbishop Cruz na ang usapin sa paglaki ng bilang nang pagsasama ng walang kasal ay dahil sa pagbabago ng pagtingin sa kasal lalu’t iniuugnay ito sa malaking gastusin.

Tinukoy din ng Arsobispo ang paggaya sa kultura mula sa kanluran.

“I can pin-point two reasons, the Filipinos equated marriage with parties, with reception with balloons, cakes and ceremonies. Ergo, the poor, no longer undergo marriage because they can’t afford it. The other naman is the envisioned of culture from the west especially from the states, in the states you married now, you can divorced tomorrow. Anything is possible. So that envision of ideas and thoughts contribute to our Filipino de-culturization on the matter of marriage,” pahayag ni Archbishop Cruz sa Radio Veritas.

Sa 2015 Philippine Statistics Authority, naitala na 1,135 ang nagpakasal kada araw; 42 percent ay sa pamamagitan ng civil wedding habang 36 percent naman ang nagpakasal sa simbahan.

Ang bilang na ito ay bumaba ng 20 porsiyento simula taong 2005.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 74,821 total views

 74,821 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 97,980 total views

 97,980 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 119,254 total views

 119,254 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 284,043 total views

 284,043 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top