Edukasyon sa masamang epekto ng droga, isasagawa ng CBCP.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,451 total reads

Magsasagawa ng malawakang information campaign sa masamang epekto ng paggamit ng illegal na droga ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth.

Ayon kay Father Kunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-ECY, patuloy ang pagpupulong na isinasagawa ng CBCP upang makatugon ang bawat komisyon ng simbahan sa malaking problema sa droga ng bansa.

Sa panig ng Commission on Youth, sinabi ni Father Garganta na kanilang ilulunsad ang nationwide information campaign para ipaalam sa mga kabataan ang masamang epekto ng illegal na droga sa kanilang sarili, pamilya at maging sa lipunan.

“Information dissemination, meron pa ring mga bagay na hindi talaga malinaw pagdating sa epekto ng droga at paano maiinvolve ang community in terms of addressing the issue. Awareness campaign, meron pang gap na malaki doon tungkol sa pag-intindi sa usapin ng droga. Yun ang isa sa concretely but specifically na nakikitang step to be able to be of help to widely disseminate ng issue,” pahayag ni Father Garganta sa panayam ng Radio Veritas.

Sa tala na inilabas ng Philippine National Police, simula noong Hulyo noong nakaraang taon hanggang Enero 2017, umaabot na sa higit 50 libo ang isinagawang police operations.

Mahigit sa pitong libo ang nasawi sa war on drugs ng pamahalaan kung saan humigit-kumulang sa tatlong libo ang napatay sa police operations habang umaabot sa 40-libo ang naipakulong.

Tiniyak naman ng Simbahan ang suporta laban sa illegal na droga, bagama’t patuloy ang panawagan na itigil na ang pagpaslang sa halip ay paigtingin ang programa para sa pagpapanibago ng mga taong inuugnay sa droga.

Sa panig ng simbahan, itinatag ang Sanlakbay-isang community based drug rehabilitation program na siya ring ginagawa ng iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/huwag-sumuko-sa-mga-naligaw-ng-landas-sa-droga-cardinal-tagle/

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 23,835 total reads

 23,835 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 45,988 total reads

 45,988 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 85,321 total reads

 85,321 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 119,449 total reads

 119,449 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 175,855 total reads

 175,855 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 35,767 total reads

 35,767 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »
Scroll to Top