Protected Food Supply Exclusive Zone sa Benham Rise, pag-aralan muna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 358 total views

Pinaboran ni First Grade Finance, Incorporated President Astro Del Castillo ang suhestiyon ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ng Protected Food Supply Exclusive Zone sa Benham Rise para maprotektahan ang marine resources sa lugar.

Ayon kay Del Castillo, maganda ang ideya ng kalihim ngunit dapat itong masusing pag-aralan upang maprotektahan at mapakinabangan ng pangmatagalan ang yamang dagat ng 13-milyong hektaryang Benham Rise.

“Hindi mura ang maglagay ng mga infrastructure, it will take time and resources, so kailangan pag-aralan talaga. Maganda yung idea ni Sec. Pinol. Yung approach lang and execution should really be studied para naman
ma-maximize natin yung best use ng area,” pahayag ni Del Castillo sa Radyo Veritas.

Iginiit din ni Del Castillo na malaking tulong para sa Pilipinas kung maisasakatuparan ang plano na tutugon
sa supply ng marine resources ng bansa at makapagbibigay ng trabaho sa mga mangingisda sa lugar.

“It will really help lalo na sa food security issue is very important. At least mayroon tayong assured area na pwedeng pangisdaan para masupply ‘yung ating food needs at mga pangangailan na pagkain. Kailangan talaga ng pag-aral how’s the best approach and how do we finance fisherman for bigger boats,” dagdag pa ni Del Castillo.

Kabilang sa mga itatayo sa Benham Rise ang Coast Guard stations, weather radar station at Marine research centers para sa mas maigting na pag-aaral ng mga marine scientists.

Sa pag-aaral ng International Organization na Oceana, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at University of the Philippines noong 2016, nadiskubreng may tinatayang 200 species ng isda ang nabubuhay sa Benham Rise kabilang ang tiger shark, hawkfish at pacific bluefin tuna na isa sa pinakamahal na isda sa mundo.

Una nang idineklara ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf noong 2012 na ang Benham Rise ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Patuloy naman ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang ensiklikal na Laudato Si na pahalagahan ang likas na yaman ng mundo upang mapakinabangan at maabutan pa ito ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 31,727 total views

 31,726 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 56,043 total views

 56,043 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 91,833 total views

 91,832 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 133,051 total views

 133,051 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 184,195 total views

 184,194 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 15,935 total views

 15,935 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 233,824 total views

 233,824 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top