‘Utang na loob’, hindi batayan sa pagbibigay ng posisyon sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 392 total reads

Maituturing na patronage politics ang umiiral sa pamahalaan kung pagbabatayan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kayang dahilan sa pagtatalaga sa ilang mga personalidad na sumuporta sa kanya noong halalan para magkaroon ng posisyon sa pamahalaan.

Ayon kay Professor Roland Simbulan, Vice-Chairman ng Center for People Empowerment in Governance (CENPEG) sa kabila ng karapatan ni Pangulong Duterte bilang Pangulo na magtalaga ng mga opisyal na maglilingkod sa iba’t ibang sangay o kagawaran ng pamahalaan ay hindi naman nararapat ibatay sa utang na loob.

Paliwanag pa ni Simbulan sa halip ay dapat pag-aralan at ibatay ito sa kakayahan, kahandaan at kaalaman ng mga ito sa mga posisyon sa pamahalaan kung saan itatalaga.

“Prerogative niya yun kasi he has the appointing power pero ang dapat na maging batayan yung competence at track record nung tao lalo na dun sa posisyon na yun, kahandaan niya, preparation pa niya at background niya doon sa posisyon na yun, kung utang na loob ang pinag-uusapan lalo na sa kampanya parang patronage, yun yung patronage politics yun kasi kung ang binibigyan mong pabor yung mga sumuporta sayo, hindi maganda yun kasi dapat ang basis ay competence…” ang bahagi ng pahayag ni Simbulan.

Ayon pa kay Simbulan, kung ang tanging pagbabatayan lamang sa pagtatalaga ng mga opisyal ng bayan ay ang mga sumuporta sa isang kandidato noong panahon ng halalan, tanging ang mga mayayaman at mga negosyante lamang ang may opurtunidad na magkaroon ng posisyon dahil sa lawak ng makinarya ng mga ito na tumulong sa panahon ng kampanya.

Batay sa tala ng Office of the President, binubuo ng nasa 46 ang bilang ng Regular Cabinet Members ang Administrasyong Duterte bukod pa sa mga Cabinet-Rank Officials ng Administrasyon.

Bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan sa pulitika ang seryoso at kawalan ng sariling interes ng bawat opisyal sa posisyon at kapangyarihan upang mapaglingkuran ang taumbayan ng tapat at dalisay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,291 total reads

 86,291 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,919 total reads

 163,919 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,367 total reads

 197,367 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,665 total reads

 232,665 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,800 total reads

 455,800 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top