Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ideological colonization, sanhi ng mga tukso at kasalanan

SHARE THE TRUTH

 271 total views

Nanawagan Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles, na ipanalangin ang bansa mula sa iba’t ibang uri ng tukso na dahilan upang mapalayo ang mga mananampalataya sa mabuting salita ng Diyos.

Partikular na pinuna ni Archbishop Arguelles, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Permanent Committee on Public Affairs, ang dalawang araw na pagtatanggahal ng international artist na si Madonna sa bansa na isang dahilan upang magkasala ang mga manunuod dahil narin sa malalaswang kasuotan at mga hindi mabuting salitang ginagamit nito.

Dagdag pa ng Arsobispo, nararapat na ring sugpuin ang lumalaganap na Ideological Colonization sa bansa na nagbubunga ng paglapastangan sa turo ng Simbahang Katolika at maging sa salita ng Diyos.

“Before it was Lady Gaga. Now it is Madonna! Why is Catholic Philippines the favorite venue for blasphemy against God and the Holy Mother! Let us pray for our country that the devil will not succeed to draw anyone from this PUEBLO AMENTE DE MARIA to his evil ways. Lord Jesus, save us from this ideological colonization. Mamy Mary, protect the Philippines!”Ang bahagi ng mensahe ni Archbishop Arguelles.

Batay sa tala ng National Statistics Office noong 2010, mayroong higit sa 74 na milyon ang mga Katoliko sa bansa na katumbas ng 80.6 na porsyento sa kabuuang populasyon ng Pilipinas.

Sa talang ito, matatagpuan sa Metro Manila ang 14 na porsyento ng mga Katoliko na tinatayang aabot sa 10 milyong indibidwal habang sa Cebu City naman na tinaguriang Cradle of Christianity o pinagmulan ng Katolisismo sa Pilipinas naitala ang higit sa 4 na milyong mga Katoliko na pinakamarami sa mga probinsya sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SONA

 14,928 total views

 14,928 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 40,528 total views

 40,528 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 51,519 total views

 51,519 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 87,601 total views

 87,601 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 8,427 total views

 8,427 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567