Pagpapasaklolo ng PDU30 sa MNLF at MILF, insulto sa AFP.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,832 total reads

Hindi sang-ayon ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa paghingi ng tulong ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF) at New People’s Army sa pagtugis sa Maute Group na sinasabing kaalyado ng international terrorist.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ito ay isang insulto sa kakayahan ng mga sundalo na higit na sa dalawang linggong nakikipaglaban sa mga bandido sa Marawi City.

Iginiit ng pari na wala na ring silbi ang pagsasailalim ng gobyerno sa 60-day martial law sa Mindanao region kung hindi rin nito maipapatupad ang katiwasayan ng rehiyon.

“But to have MILF and MNLF combatants to fight alongside our soldiers against the Maute group may prove to be demoralizing to government troops even from the tactical point of view. It would appear to be an implicit admission that left to their own, our soldiers don’t stand a chance to demolish these rebels. To be complicit with MILF and MNLF would also render inutile the declaration of Martial Law in the region which according to the government is needed in restoring peace and order in the region,” ayon kay Father Secillano sa Radio Veritas.

Nilinaw naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi maaring makipaglaban ang MNLF laban sa Maute group kasama ang militar dahil walang nailatag na protocol at masusing pag-uusap kaugnay dito.

Sa isang pagtitipon, inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda si MNLF founding Chairman Nur Misuari at 2,000 tauhan na lumaban at tumulong sa gobyerno upang matapos na ang kaguluhan sa Marawi City.

Una na ring nag-alok ng reward money na P10 milyon ang Pangulo para mahuli ang sinasabing lider ng Abu Sayyaf leader at sinasabi ring may kaugnayan sa Islamic State na si Isnilon Hapilon at P5 milyon naman para sa Maute brothers na sina Abdullah at Omar.

“There’s absolutely nothing wrong in offering reward for the capture of these rebels. It may even be a necessity,” dagdag pa ni Fr. Secillano.

Sa pinakahuling ulat, may 176 libo katao ang lumikas sa Marawi City habang patuloy naman na tumataas ang bilang ng mga nasasawi sa labanan na umaabot na sa 188 katao kung saan 120 sa mga ito ay pawang miyembro ng bandido.

Patuloy naman ang panawagan din ni Pope Francis sa mga Muslim at binyagan na bumuo ng tulay tungo sa pagkakaisa, ang pagmamalakasakit sa kapwa at lumikha ng payapang lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 25,852 total reads

 25,852 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 59,803 total reads

 59,803 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 96,286 total reads

 96,286 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 114,498 total reads

 114,498 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 197,445 total reads

 197,445 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top