PUV modernization, mabigat na pasanin ng mga tsuper at operator

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 744 total views

Naniniwala si Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) National President Efren De Luna na hindi pa napapanahon ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng Department of Transportation (DOTR).

Ayon kay De Luna, sa halip na i-phase out ang nasa mahigit dalawang daang libong jeep sa bansa ay palitan na lamang ang mga makina nito upang hindi maging kalbaryo ng malilliit na driver at operator na nakasalalay sa pamamasada ang pang-araw araw na pantustos sa pamilya.

“Ang imumungkahi natin, maging makatotohanan naman ang ating pamahalaan na yung sistema na pinaplano nila ay sa susunod na ‘yon. Hindi naman kailangan na magkaroon kaagad ng modernization na yung standard [jeep] na ang gagamitin sa 255,000 may prangkisa na mga jeep. Kahit anong isipin natin hindi kaya ng gobyerno na pondonhan at pautangin yung ganyan karami, kaya ang iminumungkahi namin ay pagandahin at ayusin ang mga sasakyan at palitan na lamang yung engine,” ani De Luna.

Sa ilalim ng PUV modernization program, magpapahiram ang pamahalaan ng pondo sa mga tsuper upang mapalitan ng ‘environment-friendly’ na e-jeepney na nagkakahalaga ng 1.5milyong-piso ang mga pampasaherong jeep na may edad labing limang taon pataas.

Layon din ng programa ng transportation department ang pagtatayo ng kooperatiba para sa maliliit na jeepney driver upang madali silang makapagpalit ng unit gayundin ang pagiging suwelduhan ng mga tsuper upang hindi na kakailangin pang magterminal sa mga kalye o lumikha ng trapiko.

Sa tala ng LTFRB, aabot sa 234,000 ang kabuuang bilang ng pampasaherong jeep sa bansa kung saan 70,000 rito ang bumabyahe sa kalakhang Maynila.

Una nang inihayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade na isang regalo mula sa gobyerno ang e-jeepney dahil pinaniniwalaang aabot sa 33-libong piso kada buwan o 1,100 piso kada araw ang kikitaan ng bawat driver, higit na mas malaki sa 700 piso na kasalukuyang kita nila kada araw.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si, hinihikayat ni Pope Francis ang bawat mananampalataya na huwag tangkilikin ang mga pampublikong sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok na pangunahing sanhi ng polusyon sa hangin at pagbabago ng klima sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 41,640 total views

 41,640 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 47,769 total views

 47,769 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 77,911 total views

 77,911 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 97,506 total views

 97,506 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 116,461 total views

 116,461 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 70,201 total views

 70,201 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 265,595 total views

 265,595 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top