4-day work week, parusa sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

Naninindigan si Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) Chairman Leody De Guzman na parusa sa mga mangaggawa ang House Bill 6152 o Compressed work week bill.

Ayon kay De Guzman, hindi kailangan ng mga manggagawa ang mas maikling araw na igugugol sa paghahanap-buhay bagkus ay mga programang susugpo sa kontraktwalisasyon at magtataas sa arawang suweldo.

Sinabi ni de Guzman na malinaw na pagsalungat sa pandaigdigang patakaran hinggil sa walong oras ng paggawa ang panuklang batas at palusot lamang ito upang tanggalin ang 30-porsiyento na overtime pay na natatanggap ng mga empleyado sa bawat oras na kanilang ginugugol na lagpas 8-hour work.

“Ang problema n’yan bigay sila ng bigay ng bagay na hindi naman hinihingi ng mga manggagawa. Hindi namin hinihingi na gawing 12 oras ang amin pagtatrabaho sa araw-araw para kami ay makapagpahinga. Iyan ay kanilang palusot para maging normal na sa Pilipinas ang pagtatrabaho ng 12 oras na walang overtime pay,” ani De Guzman.

Sa ilalim ng House Bill 6152, ang isang empleyado ay kinakailangang magtrabaho ng 48-oras sa loob ng apat na araw o katumbas ng 12 oras kada araw kung saan tanging ang manggagawa na magtatrabaho ng higit sa 48 oras ang siyang tatanggap ng overtime pay.

Kaugnay nito ay nangangamba si De Guzman na maaaring samantalahin ng malalaking kapitalista at kompanya ang mga manggagawa at pagtrabahuhin ng higit sa nakatakdang working days.

Mababatid na pumasa na sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang batas.

Higit sa salapi, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang paglinang sa sariling kakayahan at talento ang mas mahalagang bagay na itinuturo ng paghahanap-buhay sa isang tao.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 21,179 total reads

 21,179 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 41,940 total reads

 41,940 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 81,480 total reads

 81,480 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 115,608 total reads

 115,608 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 172,013 total reads

 172,013 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 320,451 total reads

 320,451 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 426,536 total reads

 426,536 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top