Pagbabalik ng pamilya Marcos ng yaman, kaduda-duda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total reads

Magulo at puno ng palaisipan ang sinasabing pagbabalik ng yaman ng pamilya Marcos sa pamahalaan.

Ito ang reaksyon ni Sr. Mary John Mananzan, OSB–dating co-chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines at former president ng St. Scholastica’s College kaugnay sa inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbabalik ng yaman ng pamilya Marcos sa pamahalaan.

Iginiit ng Madre na isang palaisipan kung ang pagbabalik ng mga yaman sa pamahalaan ay isa na ring pag-amin ng pamilya Marcos na “ill-gotten wealth” kanilang yaman na nagmula sa kaban ng bayan.

“Well I would say kung ibabalik nila, ang tanong ko, is that an admission that it is an ill-gotten wealth? Kung ibabalik ang ill-gotten wealth it is very funny that you do not return all. I cannot also believe that they will say that “we are referring to the ill-gotten wealth” that means to say that it’s really an ill-gotten wealth. Kaya it’s really kind of mind bugling, papalabasin siguro na they are just donating…” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod dito, inihayag ng madre na magdudulot rin ng kalituhan at palaisipan sa taumbayan kung palalabasin ng pamahalaan at ng pamilya Marcos na donasyon ang ibibigay nitong yaman kasama ng mga ginto.

Binigyang diin rin ni Sr. Mananzan na nararapat na bantayan ng taumbayan kung ano ang maaring maging kapalit o implikasyon nito sa bansa.

Paliwanag ng Madre, isang palaisipan rin sa taumbayan ang maaring dahilan ng naturang hakbang lalo’t kasalukuyan na ring nasa proseso ang inihaing election protest ni dating Senator Bongbong Marcos sa Korte Suprema kaugnay sa naging resulta ng nakaraang halalan kung saan siya tumakbo sa pagka-bise presidente.

“Bakit all of a sudden, so parang ang speculation ng tao ano bang kapalit niyan and that is something we have to watch kasi baka is that connected with the complaint ni Bongbong sa Supreme Court. Nagtataka lang ako all of a sudden papaanong nangyari ito…” Dagdag pa ni Sr. Mananzan, OSB.

Batay sa pagtataya ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) nasa 5 hanggang 10- bilyong dolyar ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos, ngunit sa halagang ito tanging 3.7 bilyong dolyar pa lamang ang na-recover ng kumisyon.

Sa bahagi ng Simbahan ang pananaig ng katotohanan at katarungan sa mga nagawang kasalanan at pang-aabuso ng pamilya Marcos sa ilalim ng Martial Law ang isa sa higit na mahalaga upang mapawi na ang galit at pagkakahati ng bayan sa tuwing nabubuksan ang usapin ng rehimeng Marcos.

Batay naman sa pag-aaral ng Amnesty International, umaabot sa 70 libong tao ang ikinulong, 34 na libo ang biktima ng torture habang 3,240 ang napatay mula taong 1972 hanggang 1981 sa ilalim ng martial rule ni dating pangulong Marcos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,248 total reads

 80,248 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,356 total reads

 158,356 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 191,804 total reads

 191,804 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,100 total reads

 227,100 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 450,436 total reads

 450,436 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top