Bigyan ng pagkakataong magbago ang mga makakasalanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 485 total reads

Ang bawat isa ay nagkakasala at nagkukulang ngunit ang pinakamahalaga ay ang pagtatama sa pagkakamali at ang pagbabagong buhay mula sa mga kasalanan.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng CBCP NASSA / Caritas Philippines kaugnay sa patuloy na mga kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng illegal na gamot at iba pang krimen sa lipunan.

Paliwanag ng Pari, ang kahalagahan ng buhay ang isa sa pinakamahalagang paninindigan ng Simbahang Katolika.

“Yung buhay mahalaga at isa yun sa mga mahalagang paninindigan ng ating pananampalataya, ang makasalanan binibigyan ng pagkakataong magbagong buhay hindi siya pinapatay. Sino ba naman ang magsasabing malinis at walang kasalanan, lahat tayo nagkukulang pero mahalaga na ito ay tugunan ayon sa kalooban ng Panginoon na bigyang pagkakataon na magbagong buhay, huwag papatayin…”pahayag ni Father Gariguez sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, patuloy na iniimbestigahan ang kaso ng pagkamatay ng 19-taong gulang na si Carl Angelo Arnaiz na pinaghinalaang holdaper at kasamang 14-taong gulang na si Reynaldo de Guzman na natagpuan ang bangkay sa Gapan, Nueva Ecija.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na kapwa nagtamo ng mga pagpapahirap at pang-aabuso ang katawan ng dalawang biktima.

Una nang binigyang diin ni Fr. Gariguez na hindi nais ng Simbahan na iwanan ng pamahalaan ang laban nito sa illegal na droga sa halip ay dapat magpatupad ng makataong pamamaraan at isailalim sa rehabilitasyon ang mga lulong sa ipinagbabawal na gamut.

Samantala nagpahayag na rin ng pangamba si incoming CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa patuloy na mga kaso ng pagpatay lalo na sa mga kabataan sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon sa Obispo, nangangailangan na ng seryosong pagsusuri ang kasalukuyang polisiya ng pamahalaan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga kung saan napakarami ng mga namatay na inosenteng sibilyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 65,121 total reads

 65,121 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,933 total reads

 143,933 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 177,378 total reads

 177,378 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 212,677 total reads

 212,677 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 436,541 total reads

 436,541 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top